Chapter 36

110 5 21
                                    

Death

"Genesis, may naghahanap sa'yo."

Napatingin ako sa manager ko. Tipid lang niya akong nginitian. Kumunot ang noo ko nang inabot na niya ang time card ko.

"Mag-out ka na."

"P-po? Undertime po ako, Ma'am."

Ngumiti siya. "Okay na. Importante ang naghahanap sa'yo."

Mas lalong kumunot ang noo ko pero kinuha ko nalang ang time card.

"S-sige po. Maaga nalang po akong papasok bukas para makabawi."

Umiling siya. "You don't have to do that, Genesis. Go on, hinahanap ka na. Nasa labas sila umupo." Ngumiti siya sa akin at tinapik ang  balikat ko bago umalis. Tinignan ko ang oras. Tatlong oras pa bago matapos ang shift ko! Ano ba ang meron?

Sinunod ko nalang ang utos ng manager ko at nagmadali sa pag-aayos. Pagkalabas ko ng locker room ay namumula ang pisngi ni Vicky at malaki ang ngisi.

"Oh? Anyare sa'yo?" natatawa kong tanong at isinukbit na ang bag ko.

"Gen, ang gwapo ng lalaking nasa labas na table!"  impit na tili niya. "Kaso may anak na."

Hinarap ko siya pagtapos kong mag-out. Inilagay ko ang time card ko sa lalagyan ng time cards."Ikaw ha? Huwag ka sa may anak, naku."

"Oo na!" irap niya. "Pinag- early out ka ni Madam, no? Sige na, alis ka na."

Tumango lang ako at ngumiti. Nakita ko ang manager ko na nasa reception. Tinuro niya ang labas at ngumiti. Nagpaalam na ako sa kanya at sa iba kong katrabaho. 

Pinuntahan ko ang table na sinasabi ni Ma'am. Nang makita ko kung sino iyon ay nanlaki ang mga mata ko.

"Ate!" sabay na sigaw nina Fifth at Sixth. Fifth is wearing his Captain America t-shirt paired with jumpers while Sixth is wearing a pink summer dress. They ran towards me and hugged me. I looked at First who was looking seriously at me.

"Hey, kids!" Hinalikan ko sila sa tuktok ng ulo nila. "What are you doing here?"

"We miss you ate!"  Hinila nila ako papunta sa mesa kung nasaan si Dimitri. Tumayo siya nang makalapit ako.

"The kids want to see their ate." I didn't like his tone when he said the word "ate". I arched my brow at him, trying to hide my irritation. He fixed his coat and looked at our siblings.

"Fifth, Sixth, don't be stubborn, okay?" Tumingin siya sa akin pagkatapos at binigyan ako ng susi ng kotse. "Bring them anywhere you want but remember, I have my eyes on you."

Umalis siya pagkatapos. Nagtagis ang bagang ko. Hindi alam nina Fifth at Sixth ang sitwasyon namin, at hindi nila pwedeng malaman iyon sa ngayon dahil masyado pa silang bata. Alam kong napilitan lang sila sa gusto ng kambal kaya nandito sila ngayon at nakakasama ko.

"Ate, let's buy cotton candy please?"

"Ate, I want a Captain America mask! Sinira ni Sixth 'yong akin!" simangot ni Fifth. Sixth just stuck her tongue out.

Napabuntong hininga ako. I should enjoy this moment with the kids. Minsan ko nalang silang nakakasama at hindi ko alam kung kailan pa ang susunod.

"Okay! Let's go to the mall, then?"

We went to the mall. Ang dami-daming gustong gawin ng kambal kaya natatawa nalang ako sa kakulitan nila. We decided to watch a movie and bought a lot of popcorns. Hindi pa sana ako papayag dahil alam kong hindi naman nila mauubos iyon, pero nang sinabi nilang dadalhin nila pauwi iyon para kina Mama at Papa ay pumayag nalang ako. It actually made me feel mixed emotions, knowing that unconsciously, they're trying to fix this family.

Sinking Deep (Z SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon