Chapter 14

130 7 32
                                    

So hindi na-save ang unang draft kaya inulit ko. Natagalan ako nang bongga pero mukhang mas okay naman 'to para sakin. May maling grammar ata so sorry na, nalimutan ko na ang English class ko regarding past participle and such. lol

(Segway) Congratulations to the future leaders (soon since 'di pa ata tapos ang bilangan lol). Hindi man nanalo 'yong pambato ko for presidency at least ako naman ang panalo sa puso ni Tri. May the Lord bless the Philippines :)
-------------------------

Iniingatan

Inis na inis parin ako hanggang ngayon dahil sa sagutan namin kahit na wala nang nagsalita pagkatapos non. Walang kibuan. Walang tinginan. Wala. At mabuti nalang dahil ayokong mawalan ng energy dahil lang sa pakikipagtalo sa kanya. Mag aalas-singko palang ng umaga kaya ayokong mas uminit ang ulo ko.

Tao lang ako. Naaasar din! Mas nakakainis dahil nagtatalo kami sa hindi pa malinaw na dahilan. He likes me? Is he serious? Is he out of his mind? Does he know who I am? I don't even know him!

This is all infatuation. But how could I show that to him? Ni hindi pa ako nagkakagusto sa isang tao romantically. I don't know how to deal with... admirers. Well, Johnny is nice and we're friends ever since kaya madali niyang naintindihan ang gusto ko. He knew what I wanted.

But what do I want now? Do I still know what I want?

This is frustrating. I'm on an unknown situation again just like before. Struggling to know how to solve this all.

Nag-ring ang cellphone ko. Tumatawag si Trinity.

"Hello!" yamot na sagot ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko na napatingin sa akin si Job. Umirap ako at tumingin sa labas.

"Aga-aga bismud ka!" asar ni Trinity. "Stopover daw tayo sa Petron. Magpapa-gas. Tsaka weewee time for the peeps, at bili ng food para sa mga hindi kumain."

"Sige."

"Pakisabi sa driver mong pogi ha. Baka naman dumerecho kayo agad sa Bataan, naku."

"Tumigil ka, Trinity!" saway ko at pinutol na ang linya. Napabuntong-hininga ako at isinandal ang ulo sa bintana. Hindi parin ako kumibo. Malalaman naman niyang titigil kami kasi nakasunod lang kami sa mga sasakyan nila.

Napatingin ako kay Job nang mag-ring ang cellphone nya. Nakakabit kasi iyon sa stereo ng sasakyan niya and I guess the call will be on loudspeaker.

"Hello? Who's this?"

"Hi Kuya Job. Si Yoona 'to. Stopover daw po tayo sa Petron sabi ni Ate Trinity. Baka daw kasi hindi kayo kausapin ni Ate Genesis kasi magkaaway daw kayo. Baka dumerecho kayo ng Bataan naku." May narinig akong tumawa sa kabilang linya bago pinutol ang tawag kaya uminit ang pisngi ko.

Trinity!

"God, give me patience," I muttered. "Pasensya na kay Trinity."

"Ikaw, hindi hihingi ng pasensya sa'kin?"

Nanlaki ang mga mata ko lalo na nung ngumisi siya.

"Paano kung hindi ako tinawagan ni Yoona? Eh 'di hindi ko alam na may stopover?"

"Sumusunod ka naman sa kanila kaya okay lang, 'di ba?" Tinitimpi ko ang sarili ko. Nakakainis na talaga. Ang yabang!

Tumingin siya sa akin, nakataas ang kilay. He looks like he's judging me with what I just said.

Ibinalik niya ulit ang tingin sa daan.

"Nakikita mo bang sinusundan natin sila, Genesis?"

Kumunot ang noo ko at tinignan ang mga sasakyan sa harapan namin. Puro sedan at SUVs.

Sinking Deep (Z SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon