Chapter 13

121 8 25
                                    

Arguing

"Kanina ka pa tahimik."

Napabuntong-hininga ako at tipid na nginitian si Johnny. Dito siya naghapunan katulad ng sinabi ni Nanay. Pagkatapos kumain, niyaya niya akong magpahangin dito sa may bakuran namin habang si Nanay ay nanunuod ng tv kasama ang magpinsang si Trinity at Beca.

"May masakit ba sa'yo?" Tanong niya.

Oo, Johnny. Sumasakit ang ulo ko kakaisip.

"Wala naman," pagsisinungaling ko. I groaned inwardly. Napapadalas na ang pagsisinungaling ko at hindi maganda sa pakiramdam. I need to confess.

Maybe I need to confess my whole life.

Tumango lang siya at sumandal sa upuan. Inihilig niya ang ulo niya sa balikat ko. Hinayaan ko lang siya.

"I missed you, Genesis."

Hindi ako kumibo. I missed them all, my friends. But I know that he meant it in other way.

Hinawakan niya ang kamay ko. Hinayaan ko lang siya. Ganito naman siya noon pa man sa akin pero wala iyong epekto sa akin because I know where I was heading. My path is going to Him. I'm platonic to all my guy friends, pati na sa kanya. Pero hindi siya ganoon sa akin. Wala naman akong magagawa sa nararamdaman niya.

You can't force someone to unlove you. If that person loves you, let them know the truth. You don't always answer love with love. You answer it with honesty. And honesty hurts. Nanunuot sa buto. Para kang pinapatay. But it's better than sugarcoating lies.

Binawi ko ang kamay kong hawak-hawak niya. Inalis ko rin nang maayos ang ulo niya sa balikat ko. Pumungay ang mga mata niya.

"Johnny, when will you stop?"

Umiling lang siya at ngumiti. But sadness was evident on his eyes. Mas lalo akong nalungkot para sa kanya.

"I know you haven't experienced to be romantically in love yet. I know I have a chance. Chances are made, and I'm making mine now."

I just sighed. Hinalikan niya ako sa pisngi at saka tumayo na. Mas lalo akong nalungkot sa ginawa niya. Nasasaktan narin ako dahil alam kong nasasaktan siya sa ginagawa niya.

"I'll go now. Bye," aniya at ngumiti. Tumango lang ako at tipid na ngumiti. Hindi na siya nagpaalam kina Nanay dahil patakbo na siyang umalis. Napapikit ako at napayuko.

I don't have the right to question Your plans, Lord. But at least, give me signs. These are all new to me. The previous years have been a big suffering, and these new feelings I'm feeling are bothering me.

Give me signs, Lord. Give me signs.

"Aalis ka na talaga?" nalulungkot na tanong ni Vicky. Tumango lang ako at tipid na ngumiti. Nakita kong naiiyak na siya.

Nagpasa na kasi ako ng resignation letter ngayon at immediate resignation ang nilagay ko. Kaya ngayong araw na rin ang last day ko.

Umiyak si Vicky. Sinimangutan ko siya. Ayokong may umiiyak sa harapan ko. Kahinaan ko iyon.

"'Ba yan! Pwede namang magtrabaho kahit mayaman! Para madagdagan 'yong binigay sa'yo!" sabi niya sa akin at hinampas ako sa braso. Napangiwi ako sa hampas niya pero natawa na rin kasi para siyang bata kung umiyak.

Nandito kami ngayon sa isang beer house. Nilibre ko silang lahat pagtapos ng shift namin. Gusto ko sana sa kainan nalang kaso mas gusto nilang uminom ng alak.

Sa lahat ng kasamahan ko ay siya lang ang umiiyak. Tinawanan siya ng mga kasama ko.

"Vicky iyakin!" asar ng kasamahan ko. Binato lang siya ni Vicky ng kropek na nilublob niya muna sa suka. Natawa kami.

Sinking Deep (Z SERIES #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon