after 7 months

840 24 0
                                    

After 7 months -

natapos na ang semester at muling magsisimula ang panibagong year ko sa college pero simula nang gabing yun wala na talagang asher na nagexist sa school .

Dun muna ako tumira kila mommy at daddy this summer . Namiss ko rin yung dalawang yun at yung mga kasambahay namin.

Its been a 7 months nang nawala si asher . Natapos ang christmas , new year , summer pero wala akong nahagip na balita sa kanya .

Pinuntahan ko minsan ang condo niya pero wala na siya dun . Binenta na daw yun at wala rin silang balita kung nasaan na ang mayari . Binalak ko ring kausapin si paulo , symone at pixie pero tikom ang bibig niya kay asher . Si hara naman di ko na rin nakita . marahil magkasana nga sila ni asher .

Minsan may nagsabi na nasa ibang bansa daw si hara at asher at bali balitang sila na . sabe naman ng iba hindi daw yun totoo dahil nakita daw nila si asher na nasa cebu . ang gulo ! pero lahat yun di ko pinaniwalaan . Ang alam ko lang nawala na siya .

After one month tumigil na rin ako sa paghanap at paghintay sa kanya na dumating sa klase namin . Pinilit ko siyang kalimutan at finocus ang sarili ko sa school at kay mama na ngayon ay kabuwanan na niya .

2 months na pa lang buntis si mama at hindi niya alam dahil sa pagkabusy niya sa trabaho . Akala niya may sakit lang siya dahil hindi naman pumasok sa isip niya na buntis siya dahil imposible yun . Malakas daw ang kapit ng bata at maliit magbuntis si mama kaya hindi namalayan . wala ngang imposible sa diyos . Pagibibigay niya ibibigay niya talaga .

Pumasok na ako sa una kong klase at tinuon ang buong focus ko sa pagaaral . nang matapos na ay lumakad ako pacanteen para maglunch .

" buti sabay vacant naten sis " aniya ni sasha habang nakapila kami .

Bago na rin yung look ni sasha kung dati kulot ang buhok niya na maikli ngayon ay long and straight hair na brownish ang hair niya .

" ang tagal naman nagugutom na ako tangina " sabe ko at hinila ko siya palabas .

Nagwawala na yung tiyan ko at naglakad ng mabilis na halos kaladkarin ko na si sasha .

" Dun na tayo kumain sa barbequehan . " aniya ko sa gitna nang panghahatak ko sa kanya . Kanina pa nga nagrereklamo na nagmamadali daw ako masyado . Napakaarte kasi maglakad ayan hinila ko tuloy

" sis malapit na birthday mo anong gusto mong gift ? " sabe niya habang kinakaladkad ko siya.

Oo nga no? Palapit na yun . At tatanda na ulit ako . Im incoming 21 na .

" lalake sis " pambibiro ko at bigla akong may nakabunggo na lalaki .

Nakashades siya at medyo matangkad . Mabango pa nga at amoy na amoy ko . Familiar pa nga yung amoy eh . napatingala naman ako. " ay sorry " sabe ko .

napangiti siya sa akin at napakagwapo ng ngiti niya . Familiar yung hugis ng lips niya feels like i kissed that before . Ay nako marami na akong nahalikan baka ibang tao lang yan . Nagising ako ng narinig ko ang tawa ni sasha .

" uyy ayan na pala yung lalaki na wish mo hahaha " humalakhak siya at kinurot ko siya sa tagiliran niya . bwiset to . Di man lang ako tinulungan at iniwan ako .

Jusko ka sasha ! Wala kang kwentang kaibigan . " di ko kasi nakita tangina " sabe ko at nakarating na kami sa carinderia . Buti na lang walang pila .

" Sa tangkad nun di mo nakita ha ? " natatawang sabe niya pa .

Di ko na siya pinansin dahil puro pangaasar lang ang sasabihin nun . " same order sis ah love you " sabe ko at umupo na .

Maya maya nakakain na kami at nagsimula nang magdaldal ang bibig niya kahit may laman pa .

" alam mo ba nakita ko si nash kanina sa school ? " napatingin ako at napahinto sa kinakain ko .

For real ? Medyo kinakabahan ako nang marinig ko yun . Yung lalaking unang nagpaasa sa akin . Naalala ko na naman yung mukha niya , yung sweet memories namin at higit sa lahat yung bigla siyang nawala nang magcollege na kami . hes my highschool boyfriend . Ay mali never ko siyang naging boyfriend . MU lang . Tanginang MU yan sana hindi nagexist ! .

Di ako nagsalita at pinagpatuloy lang ang kinakain ko pero malakas ang curiosity ko kaya maya maya nagtanong ako kay sasha . "course niya ba ? " aniya ko na kunwari walang pakielam .

" industrial engineering . Kabog di ba ? " aniya at sinubo ang kanin .

Matalino talaga sa math yung gagong yun kahit na mahina sa english . Good for him .

patapos na kaming kumain nang biglang may pamilyar na pumasok sa carinderia .

" viana ? " aniya nang mapansin ako ni carisse .

" hi! " sabe ko na medyo nahihiya kasi puno ng kanin ang bibig ko . nginitian niya ako ng sobrang lawak .

" sa wakas magkasame na tayo ng school . kakatransfer ko lang here kasabay ko si april . " aniya ni carisse . nakasuot na siya ng uniform namin na palda at long sleeves . Nakakapanibago dahil never ko siyang nakitang nakapalda . Humaba na rin pala yung hair niya at nakaombre siya na kulay black and white . mas lalo siyang gumanda .

" talaga ? edi makikita na kita . Hangout tayo soon . " sabe ko at napatingin ako kay sasha " ay onga pala friend ko si sasha . Sasha si carisse " ngumiti naman si sasha at kumaway . Ganun din naman siya .

" osige kain muna kami " aniya at kumaway ako sign ng byebye .

Gusto ko sana siya tanungin kung nasan si asher kaya lang ang ewan naman . Parang out of the blue ay tatanungin ko si asher . Hay hayaan ko na nga .

Di ko pa rin kasi makalimutan si asher . Gustong gusto ko malaman yung reason niya behind
Of all that decision he made .

Bumalik na kami sa school at nagsimula na ulit ang mahabang lecture . natapos rin naman ng di ko namamalayan ang oras at kailangan ko nang umuwi dahil gusto kong humiga .

Pasakay na ako sa car ko nang biglang may sumakay na lalake . Siya yung lalaki na nakashades.

Nagulat ako kaya naman napalo ko siya ng kung ano mang bagal na mahawakan ko at ang nahawakan ko ay ang tumblr ko .

" tangina mo sino kang hinayupak na gago ka . Bumaba ka rito baba!!!! " sigaw ko sa gitna ng pamamalo ko sa kanya at tinatadyakan ko pa .

" aray! Aray! Viana ! " napahinto ako sa boses na narinig ko .

Hindi maari . Hindi pwedeng ..

STEAL HER PAIN ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon