kapatid

535 20 0
                                    

Kapatid

VIANA POV

" leave us first ash " aniya ko at lumaki ang mata niya sa akin .

" Noo! " tanggi niya at hinawakan ako sa kamay . nararamdaman ko ang takot niya na iwan ako kay sean.

" maguusap lang kami . you know sean . im okay with him " aniya ko na nagpakalma sa kanya . " take care " then he kiss me again .

Bago makalabas si asher ay isang matinding titigan ang nangyari sa dalawa . parehong nakakuyom ang palad at nakaigting ang bagang . Lalaki talaga .

" ash! " natigil ang titigan nang lingunin ako ni ash atsaka umalis ng pinto .

Binalibag ng sara yun ni sean at tumitig ng masama sa akin . " tanga ka ba para maniwala sa kanya viana ? " galit ang mata niya na nakatitig sa akin.

" alam ko yung ginagawa ko sean " umupo ako at di ko siya pinansin .

nakita ko sa peripheral view na nagsmirk siya . Kilala ko si sean kung ano ang pinapaniwalaan niya yun lang siya . Hes so close minded . Yan ang mahirap sa kanya . Pero kahit na mahirap pipilitin kong huwag siyang magalit sa akin . Hes been my kuya kaya ayokong magkagalit kami .

" alam ? Tapos ano? Masasaktan ka na naman . iiyak ka sa amin ni jason . Viana ! Alam mong kapatid na ang turing ko sayo at ayoko kitang nakikitang umiiyak. " napahawak siya sa noo niya at hinimas himas . Nakayuko lang ako habang pinapagalitan niya . Hanggat maari ayokong makipagtalo pero kailangan ko .

Biglang may kumatok sa kwarto namin " sean! Sean ! " naririndi si sean kaya binuksan niya ang pinto at hinila papasok si jason .

" Wag ka na magalit kay viana ! . Alam mong may kasalanan ka rin At ako " sigaw ni jason kay sean .

Wh-WHAT?! Anong ibig sabihin ni jason?

" a..ano to jason ? " naguguluhan kong tanong .

" di mo na kailangang malaman bunso " marahang sabe ni sean sa akin .

" ANO NGA TO ! Sabihin niyo nga may kinalaman ba kayo sa pagiwan ni asher sa akin ? " aniya ko . Shit! Naguguluhan na ako. Gusto ko malaman yung totoo .

nakayuko lang sila pareho sa akin at nagiisip kung sasabihin ba o hindi . jusko . di ko kakayanin kung oo .

" kinausap kasi namin si asher bago ka pa niya iwan " hinawakan ni jason ang braso ko at napaupo ako sa sinabi niya .

Kinuwento naman jason ang panlalait na ginawa ni sean kay asher at ang pagkausap ni jason kay asher at alam niya pa lang iiwan ako ni ash . alam nila ang sakit na nangyari sa akin dahil kay ash tuwing uuwi nila akong lasing mula sa bar . Alam nila ang iyak na ginagawa ko at paghagulgol sa akin kada gabe na pagbabantay nila . Yun pala may alam sila .

" si ash na nagsabe sa akin na wag ko sabihin sayo . kasi alam kong tama siya at alam mo yun viana " aniya ni jason .

Oo tama si jason na tama ang ginawang desisyon ni ash at alam kong makakabuti sa kanya yun . pero ang di ko matanggap ang ginawa ni sean .

" bakit kuya ? Bakit mo nilait si asher ? " tanong ko sa kanya at tinabihan ako sa kama .

" inisip lang kita . Gusto ko yung magmamahal sayo yung maproprotektahan ka kagaya ng pagprotekta ko sayo ." napahilamos ako ng mukha .

Alam ko ang punto ni kuya sa akin . Ayaw niya lang akong mapahamak pero bakit kailangang laitin ?

" kuya naman nakakasakit ng pagkatao ang manglait , alam mo yan di ba ? Dahil alam mong nilalait ako dati nung bata pa tayo " hinawakan ko ang kamay niya habang nakayuko sa akin . Malambot talaga si kuya pagdating sa akin lalo nat pag alam niyang mali siya.

" Kuya ! mahal ako ni asher pero hindi sa pagprotekta kagaya mo . Pero ngayon sa tingin ko kaya na ni asher . Binago niya ang sarilu niya para sa akin . Ginawa niya ang lahat kaya sana matanggap niyo siya para sa akin dahil mahal na mahal ko siya . " niyakap ko silang dalawa and we are making a group hug .

" mahal ko kayo at ayokong nagaaway away tayo kaya sana suportahan niyo na lang ako di ba ? jason? " nagnod lang si jason at sean at pinunasan ko ang luha ko .

Ang saya malaman na tumitiklop ang dalawang to sa akin . Ang saya malaman na swerte ako pagdating sa kanila . Yes we are not blood related siblings .

Pero importante ba yun? As long na trato niyo sa isat isa ay parang pamilya ay lalabas na pamilya na kayo .

" ang drama na naten " sabe ko at napatawa kaming tatlo .

Nakita ko na naman ang ngiti ng mga kapatid ko . Yan ang nagpapasaya sa akin nung bata pa ako .

STEAL HER PAIN ( COMPLETED ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon