Page 9.1

1.2K 33 1
                                    


  ( Nakakahiya naman ito. Paano ba kami umabot sa pag-uusap tungkol sa nawalang pag-ibig?)

( At sa boss ko pa.. sa First day ko?
Pero mas madaling kausap si ashton, hindi ko alam kung bakit.)

At ang pagkakahawak niya sakin ay binaliwala ko lang.

Tiyak ganito niya nakukuha ang isang babae sa pagiging komportable sa paghawak niya, nang maalala ko ang usapan nila Ashton at Matt.

" wala ako sa isang palengke para sa kahit anong long-term na iyan. "

Sabi niya.. ngayon parang nag-aalala ako kung meron ba siyang girlfriend o wala.

" Ikaw ba Ashton? "

" Ano?.. Pasensya na, sandali lang."

Ang cellphone niya, na nilagay niya sa mesa ay biglang tumunog.. habang sinusuri ang tumatawag, may sinabi si Ashton sa bartender.. tapos tumayo sa inuupuan niya at umalis para sagutin ang tumawag.

( Ano bang ginagawa ko.. at tinatanong kung meron ba siyang girlfriend?)

  Mahirap paniwalaan na  kailangan merong isa, pero naging aburido ako.

" Here's another cocktail. Its made with the same base as the last one. "

Sabi ni Matt.

" Maraming salamat  ."

( Nag order kaya ulit si Ashton para sa akin bago siya umalis kanina lang? )

Ganun ba katalas ang mata niya?.. o sadyang maaalalahanin lang siya?.

Habang iniisip ko yun ay sinimsim ko na lang ang bagong cocktail.

Kakaiba yata, ang kulay at lasa kaysa sa huling ininom ko, kahit gawa sa parehonh base ito.

" This drink is really good, too. "
Pahayag ko at itinaas ang inumin.

" Kinagagalak kong nagustuhan mo. "
tugon naman ni Matt at nagpatutuloy sa pagtatrabaho.

Habang nag papasalamat sa inumin ko kay matt ay bigla akong may narinig na boses ng babae somewhere in the room.

Maari ako lang ang babae sa bar na ito dahil maaga kaming nagpunta dito.

  Sinuri ko ang lugar, pero walang bakas na nandito ang iba naming kasamahan sa bar.

( Guni-guni ko lang siguro..? )

Sumimsim ulit, at napagtanto kong may boses ng babae nga ako na naririnig na nagmumula sa loob.

( pero saan kaya ito nanggagaling? Oh..)

   Huminto ang mga mata ko kay Ashton., nakatalikod sa akin habang patuloy sa pagsasalita sa tumatawag .

( Nakikipag-usap siya sa isang babae. Siguro iyun ang nobya niya..? )

The Suit Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon