Page 7

444 15 1
                                    

Ang promotion ng bagong brand ay nakatanggap ng pagtaas mula sa tagumpay ng presentation, at ngayon ay tumutubo ng mabuti.  Lagi, ang schedule ni Ashton ay puno na naman. Pero, may konting kakaiba kaysa noon.

Minsan, pakiramdam ko parang hindi na niya iniiwan ang opisina para sa meeting ng ganon kadalas. Kung kailangan kong manghula, ang numero ng mga tao na nagpupunta para kilalanin siya dito ay dumarami.

Ang dami ng trabaho ay hindi nagbago pero nakuha ko ang impresyon na mas nilalaan niya ang oras niya sa opisina. Kahit na, maraming beses na kailangan niyanh umalis para sa meeting. Naisip ko kung nagsisimula na ba siyang ma'fatigue, pagkatapos ng lahat?  Marami ding beses na minsan ay nawawala siya sa sarili. Siguro pagod lang siya 'di ba? There was a reason the thought kept lingering.

Nakatingin na naman ba siya sakin? Sa oras na napansin ko ang titig na 'yon, kinabahan ako. Ang naramdam ko sa titig ni Ashton. Minsan, may ilang beses na ititingala ko ang ulo ko mula sa trabaho, at makita ang mata ni Ashton ng ilang segundo. Nung una, akala ko coincidence lang. May masama bang akong nagawa?  Hindi ako nag iba ng haircut o bago ang make up ko. Walang nagbago sakin para tignan ng ganon. Hindi rin ako nagkamali sa trabaho, pero hindi ko alam kung bakit tumitingin siya sakin ng husto. At ang mas misteryoso kay Ashton ay parang hindi man lang niya alam na tinitignan niya ako. Halimbawa, minsan ang mga mata namin ay  nagtagpo, ay pag uusapan namin ang ilang bagay, at parang doon lang niya napansin sa unang pagkakataon. ilang segundo, ay naging aware siya sa kanyang sariling titig. hindi komportableng tignan pero medyo masaya. Katulad lang sa kung ano ang nangyari ngayon, pagkatapos kong mapansin na nakatingin siya sakin. Ay pinagbigyan ko ng pansin ang mukha ko at ang ilang bagay. Pero,  hindi ko maintindihan ang rason ang biglaang pagbabago. Ngayon at naisip ko, minsan, pakiramdam ko hindi na masyadong humahawak sakin si Ashton.. narealize ko maging ang pagtapik sa ulo naging pangalawang nakasanayan ko?

" May nagawa ba ako para ikagalit mo? "

" hm, hindi, I dont think so, bakit mo natanong? "

" Ah. Wala lang. "
Si ang nagsimula ng physical contact. Pero, tumigil din siya pagkatapos na masanay ako at walang sinabing ano man. Dahil polite akong adult, He's so man. Tapos ulit... hindi na kami mga bata na pwedeng magtanong ng napaka'naive. Siguro sinasabi niya sakin na alam ko na kung anong nararamdaman niya sa pamamagitan ng ugali niya tungo sakin. Siguro ginawa din niya ang ginawa ng huli kong nobyo, yung nawala na lang bigla. Sinubukan niyang sabihin 'kung magsasalita ako masasaktan ka lang',  kaya para pamalit sa pananahimik ko, 'wag mo akong tanungin tungkol dyan? Pero, kumpara nung mapansin kong naglalagay ng space ang ex ko sa pagitan namin mas nagdulot pa ito ng sakit sa puso ko. Kung yan ang kaso, bakit ganon siya makatingin sakin?.. sinusubukan nya ba akong iwasan? O sobrang self-concsious lang ako? I'm hopeless. Sabi ko sa sarili ko ng paulit- ulit na hindi ko na hahayaan ang feelings ko para sa kanya ay mas lumalim pa, na kailangan maglagay ako ng linya at, tapos, ngayon na sinimulan niyang lagyan ng linya ako iyong nadedepress mula sa pagkabigla.

The Suit Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon