Sa simula ng araw ng trabaho ay bumungad ang maagang mga anunsyo, at naglibot- libot si Ashton sa bawat departamento at ang mga tao ay maluwag na tumanggap sa kanya.
" Ulit, Masaya akong makatrabaho kayong lahat. Mahahanap niyo lang ako sa aking opisina, kaya kung may kailangan kayo na kahit ano, huwag kayong mag alin langan na magsabi sakin.
Sa ngayon may konting oras na lang tayo bago ang presentasyon ng new brand, kaya gawin natin ang lahat ng makakaya."
Pagkatapos ng anusyo, may ilan empleyadong pumalibot kay Ashton.
" Maligayang pagbabalik, Mr. Bach. "
" Raul, Mukhang maayos ka parin, tulad noon. "
" Oo naman! Kahit naiingit ako saiyo sir. "
" Naiingit?. Bakit naman? "
" kasi, ikaw lang at si Amber ang nasa manager's office di ba? "
" Raul? "
Naguguluhan kong sambit." kung ako yun, matataranta ako. Hindi ko alam kung makapagtrabaho ako ng maayos. Hindi ka ba mahihirapan kung mag-isa ka lang kasama si amber sa buong araw?.. hindi ko alam.. siguro makapagfocus ka kung malayo ang distansya ninyong dalawa? "
( Mahilig talaga sa ganitong mga biro si Raul.)
" Ikaw dapat ang mas magtuon ng atensyon sa trabaho! "
Inis kong sigaw sa kanya." Amber, napaka seryoso mo. Kaya iyan din ang nagustuhan ko saiyo. "
( hindi lang dahil sa naiinis ako sa kanya, pero siya yung tipo na ang hirap seryosohin. )
" Haha, nagkakasundo kayong dalawa ah. "
Halakhak ni Ashton sa sagutan namin ni Raul.
" hindi kami ganun ka close. "
" O, ngayon inaamin mo na ang pagmamahal mo sakin. "
(Hindi ko gustong naririnig ni Ashton ito. Kahit hindi kabawasan ang pagiging mabait na kaibigan kay Raul.)
" Balik sa topic sa negosyo, gusto ko ng status report sa lahat ng trabaho ng bawat isa, pakiusap. "
" walang seryosong problema sa harapan, sa ngayon, tumatakbo ng maayos ang lahat. "
si Raul." Ganun ba. Kung ganun mabuti. Pero pagsabihan ang lahat na dapat sabihan ako sa anumang problema, kahit gaano kaliit. "
Sagot naman ni Ashton." Roger that!. Gawin nating matagumpay ang proyektong ito. "
" Tama. "
Pagkatapos ng pag-uusap nila Ashton, bumaling naman sa akin si Raul.
" Hoy, Amber."
" O, bakit? "
" pagkatapos natin sa trabaho. Gusto mo bang lumabas para mag celebrate? "
" .... ano? "
" alam mo.. pumunta sa amusement park o kahit na ano ng tayo lang kung may kahit na anong lugar na gusto kang puntahan, makikinig ako. "
" Wala talaga akong gustong puntahan.. "
" wag mong sabihin yan, pwede tayong mag overnight kahit saan sa buong linggo. "
"... ? "
Anong gagawin ko? Mabilis na lumingon ako sa direksyon ni Ashton na parang humihingi ng tulong sa kanya..
BINABASA MO ANG
The Suit Lover (COMPLETED)
General FictionMeet the Playboy Prince and boss of Amber, an assistant secretary... they will met many challenges before they end up in discovering their feelings towards each other.