Habang may awkward na pakiramdam parin sa pagitan namin doon, sa wakas ay nag landing na ang eroplano sa pilipinas.
Nakabalik na kami ng pilipinas.. wala na kami sa france. At gayun din ang taong 'yon.
Mas bumuti na ang pakiramdam ko pagkatapos ng byahe, ang lenggwahe na napakanatural sa pandinig ko.
" hindi kailangan magpunta sa opisina ngayon, tama? "
Tanong niya." Oo. "
Napaka aga pa ng hapon sa pilipinas, pero ngayon gusto namin magpahinga, at bumalik sa trabaho bukas, mula bukas ang buhay ay magsisimula na naman nang normal. Kaya sa isa pang araw. Kailangan kong manatili na nakangiti." Amber.. pwede ba tayong bumalik sa bahay ko? "
" Hindi maganda kapag nasobrahan ako ng tulog mula sa jetlag at ma'late sa trabaho bukas, kaya uuwi na ako. Kailangan ko rin mag'unpack ng gamit. Napakahaba ng byahe, kaya dapat ikaw din. "
" Sa tingin ko.. pagod ka, nga talaga. "
Sa likod ng sasakyan mula sa airpost ay inaya niya akong bumalik sa bahay niya. Pero hindi ko na kaya pang manatili ng isa pang oras na kasama siya, at gumawa ng rason.Ay marahan niyang hinaplos ang buhok ko at may masakit na ngiti sa kanyang mukha.
Hindi niya kailangan ngumiti sa isang pilit na paraan. Para lang gawin iyon.
Alam ko na pinag aalala ko siya. Pero hindi ko alam kung anong gagawin ko.
" Ito na ang lahat ng bagahe mo, tama? "
Tinulungan niya ako na kunin ang bagahe ko mula sa taxi." Oo, iyan na lahat. Salamat.. well, kita nalang tayo bukas. "
At yumuko, inabot niya sakin ang kamay niya at tinaas ang mukha ko para tignan siya. Direkta niya akong tinignan na may seryosong expression na hindi ko maiwasan." Sasabihin ko ng paulit-ulit. Ikaw lang ang gusto kong makasama. Hinfi ako magpapakasal kay charm, at hindi ako babalik ng france. Please, maniwala ka. "
Nanatili akong tahimik. Hindi ako makapagsalita, kaya tumango na lang ako. Marahan niya akong niyakap, at nagsimulang umiyak.Patawad, gusto kong maniwala sayo..
BINABASA MO ANG
The Suit Lover (COMPLETED)
Fiction généraleMeet the Playboy Prince and boss of Amber, an assistant secretary... they will met many challenges before they end up in discovering their feelings towards each other.