Chapter 10

384 14 0
                                    


Ang panganib!.. Ipaghiwalay.

[1]

Talaga namang hindi kami nalalayo sa France. Pero ang mga bagong proyekto ay paparating na sa Philippine office.

The hustle & bustle of Philippines was satisfying.

Hindi ko talaga magagamit ang potensyal ko sa France sapagkat wala akong maintindihan na kahit ano. Mas pakiramdam ko na mas nagagamit ako dito.

Nakakaramdam parin ako ng sakit sa tuwing naaalala ko ang pagtawag sakin ni Charm na walang kwenta.

Hindi nga ako talented, pero gusto ko maging paki-pakinabang. Wala rin akong oras na mag isip ng ibang bagay kung aabalahin ko ang sarili ko.

Marami akong oras na hawak para makapag isip minsan.

" Legaspi, hindi ba parang pinahihirapan mo masyado ang sarili mo? Dapat huwag mo masyadong seryosohin. Baka himatayin ka ulit. Hindi naman problema sakin na himatayin basta aalagaan ako ng manager natin. "
Sabi ng katrabaho ko.

" Salamat sa concern. Mag iingat na ako sa susunod."
Lahat ng nasa opisina ay chinicheck ako ay mabait, pero sigurado naman na tutuksuhin nila ako.. na hindi naman mabuti. Ang mga salita ito ay nakarating kay Ashton.

" Meron kang bad habit na pinipilit na magpakabusy hanggat posible. Hindi mo kaya ang lahat ng ikaw lang mag isa. "
At makikita sa mukha ang pagka inis nito na hindi masyadong usual para sa kanya. At medyo pinagalitan ako ng matagal, tapos nagbago ang ekspresyon niya ng pag aalala.

" Hindi naman krimen ang pagpapahinga sa sarili, alam mo iyon. "
Pero.. wala naman akong kahit anong karapatan para maging maka sarili. Kung wala akong kwenta para sa kanya sa labas ng trabaho, ay gusto ko gawin kung ano ang kaya ko hanggat nandito ako.

" Magtiwala ka sakin, Amber. "

" Okay. "
Tumango ako nang ginaya niya ako palapit sa kanya, pero hindi ko kaya na hindi umiwas sa kanyang labi.

" Amber? "
Mabilis akong naghanap ng kapani-paniwala na excuse.

" May ulcer ako at masakit. Sorry. "

what the h*ll .. anong klaseng excuse iyon?

Uminit ang pisngi ko. At medyo mapait siyang ngumiti, pero mukha namang naniwala siya sakin... at iyon ay mas nagpasama ng pakiramdam ko.

" Huwag mo masyadong abusuhin ang sarili mo. Simula ngayon. Hahalikan kita kung saan ang hindi masakit. "
Ngumiti siya at humalik sa noo ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa hindi pagsuko sa kanya pero hindi ang pagbigay ng sarili ko sa kanya. Pero pinikit ko ang aking mga mata at tinanggap ang kanyang paglalambing.

----------------
Nang pauwi na noong isang hapon hindi matagal pagkatapos ng pagbabalik ko sa pilipinas.
Ay naglalakad ako patungo sa istasyon ng mag isa, nang may isang malaking kotse ang biglang huminto sa tabi ko.

Wow, ang ganda.. imported... ferrari?

Wala akong masyadong alam sa mga kotse, kaya tinignan ko na lang ang badge sa harap. Hindi ko makilala, pero masasabi ko na mahal ito.

Pinagpatuloy ako sa daan ko, at kinokompra ang badge sa isip ko sa ibang nakita ko na. Bumukas ang kotse. Lumabas ang isang lalaki at tumayo sa harap ko. At hinarangan ang daanan ko.

Ano?

Tinignan ko ang itim nitong suit at sunglasses. Hinablot ko ang rape alarm ko mula sa handbag at nagsimula pabalik sa daan.

" Excuse me. Amber legaspi, tama? "
Paano niya nalaman ang pangalan ko?

The Suit Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon