Anong dapat kong gawin? ayaw kong makipaghiwalay sa kanya dahil sa threat na ito. Parehong si Ashton at ang pamilya ko ay importante sa akin.
Ayaw kong may masaktan.. at may pride ako.
Sana hindi maisip ng lolo niya na ang lahat ay madali lang. At hindi mag expect na ang isang mahirap na babae ay makakapagsalita sa kanya.
" Ah? "
Nag ring muli ang phone ko na nagpahinto sa iniisip ko. Chineck ko ang screen, ngayon si Ashton na ito. Nag alangan ako, tapos pinalakas ang loob at sinagot." Hello. "
" Amber? "
Mahina ang boses niya. Ang tunog nito ay tila ba gusto kong umiyak.Ashton... ang lolo mo.
Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat. Pero hindi pwede. Ang sagot ko ay maikli at ang puso ko ay wala talaga sa pag uusap, at napansin niya.
" May nangyari ba? Pupuntahan ba kita? "
" walang nangyari. Nanonood lang ako ng drama sa tv.. tingin ko nadadala lang ako. "
" Sure ka? "
" Oo. "
Tumawa siya, at napanatag." Ang cute mo talaga. Hindi mo kailangan madala diyan, hindi naman iyan totoo. "
Nagagalit ako sa isang bagay na totoo. Nakikita ko na ang trahedya sa katapusan. Hindi ako makapag isip ng paraan na gawin iyong masaya, kahit na ano ang gawin ko.
" Alam mo, tama ka. Sorry. Manonood na lang ako ng nakakatuwa na palabas para medyo matuwa kahit papano. "
Pinilit kong pasiglahin ang boses ko." Hindi iyan bad idea. Pero kung malungkot ka parin, tawagan mo ako. Pupuntahan kita agad. Ok? "
" sure.. salamat. Have a good night. "
" I love you.. Good night."
At pinatay na niya ang tawag. Ang click ng receiver ay ang tunog na nagpakawala ng kontrol ko. Lumugmok ako sa lupa, ang ulo ko sa kamay. Gusto ko siyang makita, higit pa sa kahit ano. Mula dito at doon. Gusto ko siyang makita at hawakan siya at sabihin sa kanya ang lahat ng masamang iniisip at nararamdaman na naghahabulan sa isip ko. Pero pag ginawa ko... aalis siya at makikipag usap sa lolo niya. At tapos anong mangyayari sa pamilya ko?Hindi ko kayang iabanduna ang pamilya ko?
'" Im sorry... Ashton, Im sorry. "
Ang tanging magagawa ko lang ay kumapit sa phone ko at magsorry.-------------------------
" Good morning. "
" Good morning. "
Pinatili kong maging malinaw at masigla ang boses ko. Pero ang pagbati niya ay nahinto. Nagpasya ako na huwag pansinin iyon ." Your eyes are puffy. "
Tumayo siya sa tabi ko at hinaplos ang pisngi ko." umiyak ka ba sa phone kagabi? "
" Ano? Nanonood ako ng palabas, gaya ng sinabi ko.. "
Hindi ko kaya tagpuin ang tingin niya, at hindi parang bang hindi niya tatanggapin ang sagot ko." Talaga? "
Hindi siya naniniwala sa akin.." sa tingin mo ba nagsisinungaling ako? Bakit naman ako magsisinungaling? "
" ah, sorry sa paghihinala sayo. "
He looked surprised at my harsh response." di mo na kailangan mag sorry.. "
Ngayon masama ang pakiramdam ko. Ngumiti si Ashton." Hindi.. dapat mag sorry ako sayo dahil sa paghihinala. "
May finifigure siya.. hindi ba?
Gusto kong sumuko, pero pakiramdam ko hindi ko kaya. Ang dalawang nag babangayan na nararamdaman ko ay pumupunit sa puso ko.
BINABASA MO ANG
The Suit Lover (COMPLETED)
Ficción GeneralMeet the Playboy Prince and boss of Amber, an assistant secretary... they will met many challenges before they end up in discovering their feelings towards each other.