Napakaganda sa labas, at ito ako lugmok sa kalungkutan.
Ngayon ang araw ng date na pinipressure sakin ni Raul.
Hindi pwede.. bastang hindi pumunta, tama? Pero, ngayon sasabihin ko na sa kanya na "hindi", sigurado yun.
Hindi ko maibalik ang sinabi ko, kaya napagdesisyon akong pumunta at gawin itong huling date namin.
" Amber! Dito! Nagagalak ako at nakarating ka. Kabadong-kabado ang puso ko dahil akala ko hindi mo 'ko sisiputin. "
Nakaupo mula sa terrace ng cafe kumaway si Raul sakin ng makita niya ako. Ang ibang customer ay tinignan ako. Nakakahiya.." Nakikita kita! Hindi mo na kailangan ko kumaway masyado. "
" My bad. Akala ko lang kasi mas madali mo kong mahahanap pag kinawayan kita. "
Kahit sa pagrereklamo ko ay naging masayahin parin ang mood ni Raul." Napaka'energetic mo lagi, 'di ba. "
" Oo naman! Ang makipag date sayo ang dahilan nang pagiging hyper ko! Pagod ka ba? Marahil hindi ka makatulog dahil iniisip mo kung anong mangyayari sa date natin? "
" Hindi, hindi ganon.. "
Masiglahin na tao talaga si Raul,pero ngayon ang energy niya ay hindi kapani-paniwala. "Siguro nagpapanggap lang siya na energetic siya?
" so, saan tayo pupunta? May lugar ba na gusto mong puntahan? Mukhang nasobrahan ka talaga sa trabaho, kaya bakit hindi tayo mag chill out sa aquarium? Manonood sa tanke na puno ng mga bokya ay nakakapagpakalma sayo, hindi ba? "
Habang tinatanong niya sakin kung may gusto akong puntahan ay may naisip na siyang plano para sa date na siya lang. Iniisip ko na nagkukunwari lang siya na concern tungkol sa anong gusto ko, bigla gusto ko siyang iwanan at umuwi." pwede tayong pumunta kong saan mo gusto. "
Sabi ko na lang." talaga? Kung ganon, then? "
Pangako sasabihin ko sa kanya bago ako umuwi...
Pilit kong nilunok ang buntong hininga, at pilit na magbigay ng ngiti.
Sumunod ako kay Raul nang magsimula na siyang maglakad.------------
Nagpunta kami sa Aquarium, tapos nagkape. Siguro ito ang pamantayan ng pamamaraan niya sa pakikipagdate. Mula sa umpisa hanggang sa dulo, masayang nangunguna si Raul at nagkaroon ako ng desenteng oras . Pero, kahit anong gawin ko, palagi akong nakatulala paminsan- minsan.Kung ito ay date kasama si ashton, anong kayang pakiramdam?..
Pupunta rin kaya kami sa lugar na may aquarium?Habang nag iisip naging parang naging masama ako kay Raul.. hindi ko makayanan pero ikumpara si Raul kay Ashton.
kung makikipagdate ako, maghahanap ako ng lalaking tulad ni Raul, pero kahit na anong hirap kong subukan, nang tignan ko ang nakangiting mukha ni Raul, wala akong maramdaman.
Kahit na ang kaswal niyang paghawak sa kamay ko ay agad kong binabawi . Kung hindi ko man lang kayang hawakan ang kamay niya, ano pa kaya ang kaya kong gawin kasama siya?
" walang kwenta ang magpunta sa ibang lugar kung pagod ka. Ayaw ko na nasa labas ka na ganito ka late. Kaya, kahit masakit na mamaalam, perhaps we should just call it a day? And to make up for that, let's go out for a nice, long dinner next time. "
Naglalakad patungo sa istasyon Nagsimulang magplano si Raul para sa susunod na date. Pero, hindi ako papayag sa pagkakataong ito." hm? Amber? "
Napansin niya ang biglaang paghinto ko, lumingon si Raul at tinignan ako, na nagtataka.Kailangan kong sabihin ito, ngayon dito.
" Raul, hindi na ako makakapunta sa susunod na date kasama ka. Hindi naman talaga tayo lumabas kaya weird na ipagpatuloy pa ang pakikipagdate sayo ng paulit ulit. "
" then, why dont we star going out for real? Gusto na kita simula noong pumasok ka sa kompanya."
Ang mainit na pagpapahayag at pagtatapat ng kanyang nararamdam ay nagpasakit ng puso ko.
BINABASA MO ANG
The Suit Lover (COMPLETED)
General FictionMeet the Playboy Prince and boss of Amber, an assistant secretary... they will met many challenges before they end up in discovering their feelings towards each other.