Page 13

483 21 1
                                    


" Pagod na ako. "
Hindi ko tinanggap ang kanyang offer na makipag dinner at nang makauwi ako, sumampa ako sa kama.
Hindi dahil sa hindi ako natuwa.

" pagkasama ko si rin si Raul, hindi ko alam ang inisip niya."
Bigla akong nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Gusto talaga ako ni Raul? Nilalandi niya lahat ng mga empleyadong babae kaya nagiging conceited lang ako.. siguro na misunderstood ko lang siya. Pero kung seryoso siya, anong gagawin ko?
Si Ashton.. kahit na inisip ko si Raul.. ang laging nakikita ko ay ang mukha ni Ashton na lumulutang malapit sakin. Hindi ba sabi nila mas better na ikaw yung mahalin keysa ikaw ang magmahal? Kung kay Raul ako, hindi ako mag alala ng kahit ano. Kahit na minsan wala siyang kabuluhan, hard working naman. Ngunit, kahit anong subok ko, hindi ko ma'imagine ang sarili ko kasama si Raul, bilang gf niya. Ang mayakap niya, mahalikan, at iba pang seryosong bagay. Kung maging gf niya ako, mas magiging natural kong hindi niya iyon gagawin, pero kahit ang isipin lang iyon ay sa ilalim ng dibdib ko ay may sumakit. Ngayon hindi ito ang unang pagkakataon na mag isip ako tungkol sa ibang tao tungkol dito.

" Ang taong mahal ko ay si.. "
Sinubukan kong sabihin, pero nilunok ko ang pangalan niya. Kapag sinabi ko dapat malaman niya.  Walang gustong umibig ng walang future. Pero, kahit na, hindi ko parin maibaliwala ang nararamdaman ko. Hindi mangyayari na magiging gf ako ni Ashton. Kailangan kong harapin ang katotohanan.
Bumuntong hininga ako, at pumikit.

" Hm? Ano? Umaga? "
Kahit na hindi ako makatulog kagabi ng nag aalala tungkol sa mga bagay na iyon ay siguro napagod lang ako at nakatulog.

" Anong oras na ba?... ano? No way, ganito na ka late? "
With eyes still cloudes from oversleep, I inadvertantly glance at the clock, and suddenly went numb.

" Hala hindi!.. malalate na talaga ako sa trabaho nito! Hindi pa ako na late ng ganito mula ng mag umpisa akong magtrabaho doon! "
Nagsimulang mataranta, ay mabilis akong umalis ng bahay. Para sigurado, kailangan sabihan ko si Ashton kahit na mapagalitan ako. Kasalanan ko naman talaga, at pakiramdam ko depress ako.

" O, Raul.. good morning. "
Sa harap ng pinto, ay tinawag ako ni Raul at may ngisi sa mukha nito, at pasariling tinugon ang bati niya sa akin.

Kailangan ko talagang magtrabaho ng maaga. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong klaseng ugali ang ibibigay tungo kay Raul.

" Pinagod ba kita kaya nakatulog ka ng sobra? Kasalanan ko ba? "

" ha? Raul 'wag kang magbitiw ng mga salita na pag isipan tayo ng ibang tao ng maling ideya! "

Katrabaho 1: " ano?.  Ganyan ba talaga kayo ka close? "

" Hindi! "
Buong puso kong dineny ang walang kwenta komento ng isang naming katrabaho.
Ng walang sinabi, ay pumunta ako sa manager's office.

" G-good morning! I'm so sorry I'm late! "
Paghingi ko ng umanhin ng makapasok ako sa silid. Tumigil si Ashton sa kanyang ginagawa saglit at lumingon sa akin.

" hmm, mukhang nag enjoy ka sa date niyo kagabi ah."

" Ano? Anong ibig mong sabihin dyan? "

" wala akong intensyon na pakialaman ang personal mong buhay pero hindi ko gusto ang isang tao na pa'easy-easy lang sa trabaho. Tungkol sa schedule, may ilang pagbabago. Aalis ako ng opisina mamaya para sa isang meeting, pagkatapos ng meeting ay uuwi na ako at hindi na ako babalik ng opisina. "

" Ano? Um, tungkol dito sa schedule na binago.. "

" Nakasulat ang mga binago dyan. Tandaan mo lang, hindi dahil wala ako dito ay magiging pabaya ka na sa trabaho mo. "
Kahit kailan hindi ko narinig sa kanya ang ganito ka lamig ng tono ng boses noon, pero, hindi nagbigay ng pagkakataon na magpaliwanag ay mabilis na nilisan ni Ashton ang silid.

Naiwan ako doon, at ang tangimg nagawa ko lang ay ang tumitig sa pinto na kanyang sinarado.

The Suit Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon