Page 10

525 24 1
                                    

Matapos ang pagdaan ng bagyo.
Kahit sa katotohan na natigil ng isang araw ang rehearsal, ang presentasyon ng bagong brand ay naging natapos ng walang sagabal, sumara ang kurtina ng may masigabong palakpakan. Habang naglilinis ako ay tinawag ako ng isa sa katrabaho ni beverly, na si Ashley.

" Magaling. Hindi ako sure kung ano ang magiging kahihinatnan nito, pero masaya ako at nalampasan natin ito."

" Masaya rin ako. Ang bagyo ang nagdala ng malaking problema. "

" tama, nawala ka rin. Walang naka alam na naiwan ka habang ginagawa namin ang inspeksyon. Sa oras na iyon, ang lahat ay nasa komosyon. Pasensya at hindi kita napansin. "

" ok lang. Kasalanan ko iyon hindi ako nag ingat. "
Pagkatapos ng araw na iyon.. ang bagyo ay nawala na ng tuluyan kinaumagahan, kaya kami ni Ashton ay umuwi para makapagpalit bago dumating ang mga staff sa event hall. Bumalik ako ng opisina ng parang wala lang nangyari.
Kaya, sa katotohanan na kami ni Ashton ay nanatili ng isang gabi sa dressing room na iyon ay naging maliit na sekreto namin.

" kahit na, alalang- alala si Mr. Bach sayo buong oras, alam mo ba? May mga empleyadong umuwi ng diretso at ang iba naman ay dumaan ng opisina muna. Mahirap para kay Mr. Bach pagkatapos niyang ma'realize na hindi ka nakabalik mula sa opisina.
Pagkatapos niya makontak ang lahat ng staff at nalaman na walang nakakaalam kung nasan ka. "

" Ano? Lahat ng staff? "

" Oo. Kinontak din niya ang event hall, at kahit na sinabi nilang walang tao doon sabi niya ay babalik siya para hanapin ka. Sa puntong iyon, ang bagyo ay naging severe. Sabi naming lahat na sasama kami sa kanya pero sinabihan niya kami na umuwi at aalis siya para hanapin ka ng mag-isa. "

" talaga? Wala akong ideya.. "
Naging masyadong busy ako simula noong dumating ang bagyo ay wala akong opportunity para makausap si Ashton sa nangyari.

He cares about to the extent.

Nang iligtas niya ako mula sa basement, ay yinakap niya ako ng mahigpit... inaalala ang init ng katawan niya, at ang pagka relieve ng mukha niya, ay nagpakabog ng puso ko.

" Hindi marami sa tao ang aabot sa puntong iyon para sa empleyado nila. Kahit na sa tingin ko ay paborito ka niya dahil sekretarya ka niya. "

" ano? Paborito niya? "

" Titigan mo lang siya malalaman mo na. Siguro napansin mo? "
Ang tawagin na "paborito" niya ay kinapula ng pisngi ko. Tumawa si Ashley at pabirong binangga ang balikat ko.

Kahit na alam ko na siya ang uri ng tao na hindi ko pwedeng magustuhan. Pag may salitang lumabas tungkol sa nangyari...

The Suit Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon