Napansin ko na lang na napadapo ang palad sa pisngi ko at naistatwa sa kinatatayuan ko, at medyo namumula.Ashton chuckled, enjoying it immensely.
( Ngayon ay napaisip ako, merong tsismis tungkol kay Ashton na may pagka playboy ito.
At sinabi pa nila sakin,
" huwag mong hahayaan na mahawakan ka niya. "
" Ashton please don't tease me. "
Huminga ako ng malalim.
sinusubukan na pakalmahin ang paglakas ng pintig ng puso ko.
Nang makabawi na ako, ay bigla kong naalala ang oras.
Natarantang tinignan ko ang relos ko.
( May oras pa kami, pero kung hindi pa kami magmamadali.. )
" Siguro pagod ka na, kakauwi mo ba naman ng pilipinas pero kailangan na natin umalis.
May business meeting pa tayo mamaya. "
" Ay, Tama ka. "
" Sige, Tara na?. "
Tumango lang siya at nagsimula na kaming maglakad patungo sa taxi stand.
" Ashton ako na magdadala ng Bag mo. "
" I'm fine. Don't worry about it. "
" Pero nagtatrabaho ako sayo. At mas malakas pa ako sa tingin mo. "
" Wala akong pakialam kong nagtatrabaho ka sakin o hindi.
Ayaw ko lang talaga pagdalhin ng bag ang isang binibini. "
Tinulak ni Ashton ang kamay ko na nagpupumilit na abutin ang dala niyang suitcase at ngumiti ng alanganin.
" Nakasanayan ko lang kasi.
Tinuruan ako na ang mga babae at mga bata ay dapat iniingatan.
At hindi ko intensyon na maliitin kayong mga babae, sana maintindihan mo. "
Buong pagpapaliwanag niya at maingat na dumaan sa mga tao ng walang nababangga ninuman.
At ginabayan ako pamunta sa hintayan ng mga Taxi.
" Wow.. para kang tunay na English Gentleman. "
(Hindi " parang " tunay na Gentleman.. Isa "talagang" totoong gentleman.)
( kung naalala kong mabuti, ay may dugong amerikano si Ashton. )
" Haha, you flatter me.
After you mademoiselle. "Mukhang okay naman sa kanya ang mga sinabi ko.
Sa hintayan ay maingat niya akong tinulungan sa paghihintay ng taxi.
Tinanong ng drayber ng Taxi kung anong destinasyon namin, at sinimulan na itong paandarin ang saksakyan.
Ang byahe mula sa airport papunta sa korporasyon ay aabutin ng 1 oras.
" Ashton, um.. hindi ka ba pagod? "
" Hindi. May problema ba? "
At tinitigan ako ni ashton. Na may pagtataka dahil sa tanong ko.
" Naisip ko lang na baka pagod ka pagkatapos ng mahabang flight.
May isang oras pa tayo bago makarating sa korporasyon,
so magandang ideya yun para makapagpahingi kahit konti. "
His gaze did'nt budge. Unable to stand his scruting any longer. I looked down reflexively..
Tinapik na naman niya ang ulo ko.
" Nag aalala ka sa para sarili ko?
Napaka bait mong binibini. Ngayon alam ko na kung bakit ka pinagmamalaki ng presidente sakin."" Ano? Ang presidente?. "
" Oo. Ang bata mo pa, pero sumusunod ka na sa mga utos ng mga nakakataas sayo at binibigay mo lahat.
Masaya ako at ikaw ang naging sekretarya ko.
BINABASA MO ANG
The Suit Lover (COMPLETED)
General FictionMeet the Playboy Prince and boss of Amber, an assistant secretary... they will met many challenges before they end up in discovering their feelings towards each other.