Biglang sambit ng isang boses mula sa likod.
" O, Mr. Grey, kumusta? "
Si Mr. Grey ang pangulo ng design department sa aming kompanya. Kamakailan lang, ay nanalo siya ng isang prestigious design award sa pilipinas at siya ang nangunguna ngayon sa development ng bagong brand. Ang Le tableau d'aujourd'hui .. designs ay kasalukuyang nakatayo sa mataas na posisyon ay dahil sa pagsisikap ni Mr. Grey.
" Narinig ko na gusto mo daw humiram ng isang dress? "
" Oo. "
" Anong ginagawa mo, Ashton? sinusubukan mo bang gumawa ng moves sa kanya? "
Tanong ni mr. Grey na ikinabigla ko." Masisira naman kami niyan. Sekretarya ko siya. "
" Amber, bantayan mo ang sarili mo sa lalaking ito. Ginagamit niya iyang mabulaklak niyang dila para magawa niya kung ano man ang gusto niya. "
" Ganoon po ba? "
" oh, please. "
Sambit ni Ashton." Narinig ko yung tungkol sayo noong nasa california ako para sa isang designer's conference kailan lang. mae, sarah, hanna, and oliver.. mga taong nasa buong mundo ay nag cocomplain tungkol sayo. Minapula daw ni Ashton ang mga tao ng walang hanggan sa pamamagitan ng kanyang malumanay na pagsasalita, sabi nila. "
Ngumisi si Mr. Grey." Ang sama naman. Tinatrato ko siyang mabuti sa abot ng makakaya ko, di ba Amber? "
Sabi ni Ashton at lumingon sa akin." O-oo! "
Nabigla ako pagkarinig kay Ashton na kumuntra kay Mr. Grey. First time ko siyang makita na ganito. Pero parang mabuti naman silang magkaibigan.
" Anong problema Amber? Parang umiba ang mukha mo. "
" Ah. Wala po, first time ko lang kasing mapakinggan si Mr. Bach na magsalita ng ganoon, naninibago lang, talaga. "
" Kung ganoon, komportable na kasi kami sa isa't isa. Pinapaalam lang namin ang skill ng bawat isa. "
" ang tanging skill mo lang ay iyang bibig mo. By the way, Paano mo nagustuhan ang dress, Amber? "
Tama. Pumunta ako rito para humiram ng dress. Nakalimutan ko ng lubusan habang nakikinig sa usapan nila.
" Oo. Maganda. Maraming salamat."
I bowed my head. Bilang pasasalamat kay Mr. Grey.
Page 8 next..
Thanks for reading my story!
Hello! Silent readers & supporters. I love you all. Stay in touch guys..Hmm. Amoy pasko na. ★
BINABASA MO ANG
The Suit Lover (COMPLETED)
General FictionMeet the Playboy Prince and boss of Amber, an assistant secretary... they will met many challenges before they end up in discovering their feelings towards each other.