Page 11

274 10 0
                                    


Nang makauwi na ulit matapos mapalayo ng matagal. Ang tensyon ko ay nawala mula sa pagkapanatag. Binaba ko ang mga bagahe ko, at humiga sa kama.

" Ah. "
Ang mga emosyon na pinipigilan ko ay lumabas na naman at may kasamang luha. Binaon ko ang mukha ko sa unan at umiyak  ng buong puso, at hindi sinubukan na maging tahimik. Gusto kong ilabas lahat ng emosyon na kinimkim ko ng matagal sa isang bitaw lang.

Ashton... hindi na sana ako nahulog pa sa kanya.

Kahit sa anong paraan na isipin ko 'yon, hindi ko siya matatalo.

Sa isip ko, ay ang malamig na titig ni Charm sa direksyon ko ay nanatili.
Kahit na sinabi na ni Ashton na hindi niya tinanggap ang engagement, hindi siya naniwala. Kung ang engagement na 'yon ay pinagdesisyunan ng mga pamilya nila. Ay siguro hindi magiging madali na mapuputol iyon.  Dahil lang sa damdamin ng isang tao.

It doesnt mean how much I like him. It isnt to be.

Nang iangat ko ang ulo ko. Nakita ko ang brochure para sa perfomance ng romeo at juliet na pinuntahan namin ng magkasama.

" Aaahhh. "
Ang storyang ito ng dalawang nag iibigan na hindi pwedeng magsama. Kahit na mahal nila ang isa't isa.

Ano ba iyong tinanong ni Ashton ng sinabi niyang na kung ako si juliet?

" sa tingin mo mananatili silang magkasama kahit na hindi sila mamamatay? "

" Marami ang magiging problema na hinaharap natin sa ngayon pero gusto kong makasama ka. "
Ginawa ko ang pangako na 'to. Ang maliit kong kamay ay sumumpa ng napakadali, at hindi inisip, na masasaktan ngayon.

hindi ba talaga niya alam ang engagement?

Nakakapagtataka, hindi ko naramdaman na niloloko ako ni Ashton.

Malalaman ko sana 'yon agad kahit hindi niya man sabihin pagkatapos naming magsama ng isang gabi pero gusto kong may mahal sakin at nadarang sa pantasya ng pagsasama namin.

Gusto ko talaga siya... pero wala nang mas lalaki pa doon keysa sa anong meron ngayon. Hindi ako mag eexpect na may future pa 'to.

" I'm sorry Ashton.. simula bukas, susubukan kong magpakatatag. "
matatanggap ko na sa ngayon na darating din ang araw na iyon. At iniisip na malapit na kami magkahiwalay, at muli ay umiyak ako.

The Suit Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon