Page 3

364 10 0
                                    

Dedicated to prince_16

I knew it..

Napakagat ako sa labi at kinuyom ang kamao sa ilali ng mesa. Kaya.. ang lolo ni Ashton na pinipilit siya na pakasalan si Charm. At ang paraan ng pagkasabi niya na hiwalayan ko si Ashton.. hindi iyon utos kundi gumagawa siya ng kasiguraduhan sa isang bagay na alam niyang mangyayari.

" This is an important time for Ashton. Its also an important time for the group I have worked to create. Their marriage is mutually beneficial & the best choice for both of them. To be honest, I can't see any benefits for anybody if he marries you. "

Alam ko na ang pag-ibig at kasal ay magka iba., pero..

"Of course, I don't expect anything for free. I'll ensure that you have enough money you'll never have to work a day again. I'm sure you want to look after yourself. "

" Wait a minute please. "
Nawala ang confidence ko nang dumating si Charm. Napagdesisyunan ko na kung maghihiwalay rin naman kami ay ako dapat ang lumayo at hayaan siya na sundin ang kapalaran niya. Pero hindi ganito. At hindi pinag isipan ang sinabi.

" Hindi ko kailangan ng pera. Pero intensyon ko na sukuan na ang nararamdaman ko para kay Ashton."

Matapat kong sinabi nang walang takot. Malamig akong tinignan ng lolo ni Ashton.

" Surely you must understand your position.. or perhaps not. "
At tumingin na para nagsasayang lang siya ng oras na makipag usap sa akin. Mapait ang nararamdaman ko kaysa lungkot.

Hindi ako makapaniwala na gusto niya kaming maghiwalay ng ganito.

Wala akong plano na tanggapin ang proposal niya. nagbuntong hininga ang lolo ni Ashton.

" your father works at Justin Commerce, right? That's one of the companies we were planning on supporting. That support maybe depends on your answer."
Sumulyap siya sakin at ngumiti ng manipis. Nagmumukha siya isang predator na pinaglalaruan ang pagkain niya. Isa iyong malisyusong ngiti ng isang tao na alam na nasa kanya na ang lahat ng kapangyarihan.

" Aalis na ako.. "
Nang marehistro ang mga sinabi niya sa tenga ko, pinulot ko ang bag ko at umalis.

Ang mga sinabi niya ay naglalaro ng paulit-ulit sa ulo ko.

Naglalakad ako. Wala akong ideya. Kunh nasaan ako o kung paano ako napunta dito, pero nagsimula akong maglakad nang umalis ako ng hotel at hindi tumigil.

Na para bang hinohostage niya ang pamilya ko. Hindi ako makapaniwala na pinaimbestigahan niya ang pamilya ko at ako din.

Naghanda siya.

Hindi ako makapaniwala.. totoo bang naisip niya... ang damdamin ay kayang palitan nang isang threat at ng maraming pera?

Ang buong pagkikita ay nagpagalit lamang sakin. Dapat itanong ko kay Ashton na pakasalan ako, para ra walang masabi ang matanda. Bigla ay narealize ko na nag riring ang phone ko sa loob ng bag ko.

Sino naman kaya 'to?

kabado kong tinignan ang screen.. si mama pala. Ang timinh niya ay nakakapag aalala..

" Ma? "

" Amber? Kumusta ka? Salamat pala sa mga souvenirs galing sa france."
Mabuti naman boses niya, masaya at normal at dumagsa ang nararamdaman ko na panatag sa sistema ko. Isa lamang iyong normal na tawag tungkol sa kung anong ginagawa ko. Tumagal ng ilang minuto para lumakas ang loob ko at nagtanong tungkol sa trabaho ni papa.

" Ahm, ma.. anong naging kinalabasan ng kompanya ni papa?"

" Ah 'yon!. Apparently ang Cups company ay maganda naman ang naging takbo at binigyan sila ng maraming suporta. Lahat naman ay mukhang okay. "

" Foreign na kompanya po ba ang Cups company? "

" Hindi ka ba na inform? Hindi ko matandaan ang pangalan. Pero prinomote nila ang papa mo ng ginawang muli ang kompanya. Medyo nag aalala ko minsan pero ngayon ang college fees ng kapatid mo ay hindi na problema. Hindi mo na kailangan mag alala para sa amin."

Kaya .. sinusuportahan talaga ng lolo niya ang kompanya.. kung kaya kapag pinagpatuloy ko ang hindi pagpayag sa kanyang offer..

" How have you been Amber? Tandaan mong umuwi at bisitahin mo kami minsan. "

" Opo. Talk to you later. "
Binaba ko na ang phone at tumayo doon.

Paano ko sasabihin sa kanila? Hindi pwede na sabihin ko sa kanila. Tungkol sa kahit ano na hindi ako makapaniwala na ang tadhana ng kompanya ni papa ay nakadepende sa sagot ko tungkol kay Ashton.

nararamdam ko ang pressure na bumabaon sa balikat ko. Dinadaganan ako nito.

The Suit Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon