Page 6

819 29 2
                                    

( beverly ikaw ang makakapatay sa akin!  .. )

" Sorry, pero kailangan ko ng bumalik doon. Naglakad-lakad lang ako kanina sa hallway para makahinga ng konti. "

Paliwanag ni beverly na ikinataranta ko.

" huwag.. "

" sige. Kita nalang tayo mamaya. "

Paalam ni beverly sa amin, at ngumiti ng may panunudyo ang titig.
At umalis na sa sample room.

" Tapos.. "

Biglang sambit ni Ashton.

" Ano?.. "

Inexamine ni Ashton ang kabuoan ko mula sa taas hanggang baba. Ang mga mata niya ay malumay tulad ng nakagawian nito, pero ang kulay nito ay expressive.

" Please. Huwag mo kong tignan ng ganyan!.. nakakahiya. "

" Sorry, sana wag mong isipin na may iniisip akong masama, sinusuri ko lang kung ano ang mas babagay sayo at sa tingin ko nahihirapan ako. "

  Tarantang paliwanag ni Ashton sa akin.

" hindi iyan ang problema. "
( sa paraan ng pagtitig niya sa akin ang nakakahiya. )

" mayroon bang paraan na titignan kita ng komportable ka? "

" Wala naman.  Ang puso ko ang hindi magiging handa kailanman. "

" Ganoon ba? So its that too bad. Gawin na lang natin sa paraang gusto mo. Anong klase ng dress ang gusto mo? "

Mabilis na sinuri ko ang kabuuan ng silid. Ang nakakuha ng mata ko ay  isang lavender mermaid dress. Ang magandang kulay ang nagbibigay ganda nito.

  Ito iyong inaaasam asam ng isang prinsesa na suotin.

" Mahilig ka sa ganito? "

" Oo. Ang cute kasi.. ito yung damit ng isang prinsesa na hinihiling ko noong bata pa ako. "

" Magaan nga siya tignan, hindi ba? Gusto mo bang maging prinsesa? "

" Ibig kong sabihin noong bata pa ako. Pinapangarap ko kung paano ang isang prinsipe ay darating para sa akin. Haha. Ang childish ko no? "

" hindi, cute nga eh. "

"Salamat. "

" pero alam mo.. maganda ang napili mo, pero sa tingin ko mas may bagay na kulay para sayo. "

" ibang kulay? "

  Naging abala ang mga mata ni Ashton sa  silid. Tapos ay pinili niya ang isang cocktail dress iyong hindi masyadong liberated.

" Sa tingin ang kulay na ito ay nababagay sa skin tone mo. "

Pagkasabi niya nun ay pinantay niya ang dress sa harapan ko, at tinitigan ako ng mariin.

" tama, ito na nga..  perfect ito sa iyo. "

Nakadesisyon ka na ba?

The Suit Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon