Page 11

389 13 1
                                    


Naging mas masaya siya kaysa sa inaasahan ko. Sa susunod  gusto ko siya ng mas magandang masahe.

Pagkatapos non, medyo binawasan niya ang kanyang workload para sa kapakanan ko pero mas madami parin siyang ginagawa kaysa sa iba.
Kahit na makakatulong 'iyon para makapagpahinga sa kahit konti, lagi ko siyang bibigyan ng masahe. Iniisip iyan, pinulot ko ang isang na libro na "massage technique" at binabasa iyon tuwing breaktime, nang..

" Ano? Massage? Alam mo, pakiramdam ko medyo stiff ako mula dito. "
Si Raul.

" bakit? "
Tinaas ko ang ulo ko at nandoon si Raul, nakaupo sa harap ko ng may ngisi sa kanyang mukha.

" Amber, pagod ka ba? Sa tingin ko ang pagpunta sa isang date ang makakapagpasigla sayo at nangako ka sakin, natatandaan mo? "
Binabalik na naman ni Raul ang date na 'yan.

Ngayon at nabanggit nya iyon, sa nakaraan naming date ay nangako nga ako na magpunta sa isang date bago makauwi.

Pero, sa puntong 'to sa totoo lang hindi ko makita ang sarili ko na makipag'date kay Raul. Magiging insulto ito sa kanya na magpunta sa date na ganito ang nararamdaman ko ngayon.

" Raul. Sorry pero.. "

" Next sunday, 11 o'clock,  sa Cafe na pinuntahan noong nakaraan, maghihintay ako!"

Pero, nang mag rerefuse na ako, pinutol niya ako at sinabi ang plano para sa susunod na date. Tapos, mabilis na umalis ng opisina.

" Bakit ba lagi na lang siya ang nagdedesisyon ng lahat? "

Sa tingin ko wala akong choice pero pumunta sa date. Kahit na plano kong hindi siya pahintulutan, palihim niyang hindi pinakinggan ang sasabihin ko.

Pero, ayaw kong maging sanhi na naman ng ibang hindi pagkakaintindihan kay Ashton. Pero, may pakiramdam ako na iiwasan ni Raul ang ano mang sasabihin ko at ayaw akong pasalitain.

Bumuntong hininga ako,  kung paano na sabihin na hindi sa kanya, tapos pinulot ang libro ko at tumayo.

The Suit Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon