Sa gabing 'yon.. bumalik ako sa hotel ng mag isa, dahil iyon ang bilin ni Ashton na pabalikin ako dito.
Sabi niya ay pupunta siya at puputulin ang engagement. Pero kaya ba talaga niyang ireject ang kung ano man ang napagdesisyunan ng kanilang pamilya.
" kailan siya babalik? "
Naghintay lang ako kung kailan siya babalik. Pero hindi siya bumalik ng hotel sa gabing 'yon." what's up? mukhang nasa ibang mundo ka. Ganyan ba kasaya ang breaktime mo? "
Sabi ng katrabaho ko." Ha? Oh.. sorry.. "
Tapos na ang break namin, at trabaho sa french head office ay nagpatuloy. Plinano kong magtrabaho ng normal, pero halata na hindi ako makafocus ng maayos.Hindi ko pwede maging sagabal ito sa trabaho.. pero hindi ko mapigilan na isipin iyon.
Ang umaga pagkatapos ng sinabi ni charm na fiancee siya ni Ashton, ay araw na bumalik si Ashton at sabi niya sakin na hindi siya nakatulog kahit ang pumikit. 'Walang dapat ipag aalala ' at yinakap ako ng mahigpit. Pero ang pagka balisa ko ay nanatili.
Naniniwala ako sa kanya, pero hindi ko makalimutan ang mukha ng tagumpay sa mata ni Charm nang tumingin siya sakin.
Masaya na ako bago siya nagpakita.
Kailangan kong mag focus sa trabaho ko.
Nang marahan kong sinampal ang pisngi ko, sinubukan na ibaliwala ito. May kung sino mula sa reception at tinawag ako bigla, at parang nagtataka.
" may isang babae sa reception na gusto kang makita. "
" Ako? "
Walang akong ideya kung sino iyon, at kumibit balikat lang ang receptionist." Sa tingin ko si Anri talaga ang pinunta, pero nang sabihin ko sa kanya na nasa kliyente.. sabi niya ikaw nalang ang kikitain niya"
at apparently, sabi niya na fiancee daw siya ni Ashton..anong gagawin ko?I'm stunned. Hindi kaya si Charm? Pero bakit gusto niya akong makita?
Malakas na tumibok ang puso ko. Malinaw na concerned sakin ang receptionist. Nagtanong pa siya kung gusto ko bang paalisin siya.
Natakot ako sa kung anong pwedeng mangyari, pero walang takasan 'to.
I made up my mind.
BINABASA MO ANG
The Suit Lover (COMPLETED)
Ficción GeneralMeet the Playboy Prince and boss of Amber, an assistant secretary... they will met many challenges before they end up in discovering their feelings towards each other.