Page 4

381 13 0
                                    

Ninanakaw niya ang mga designs..! Pero para saan?.. !

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Ang kaya ko lang gawin ay pigilan ang paghinga at panoorin si Raul na umalis.

The Next Day..

Anong gagawin ko?.. sino ang pagsasabihin ko sa anong ginawa ni Raul kagabi? At paano ko ito maipaliliwanag?

Ang pag pasok ng manager's office ni Raul at subsequent na pagkuha ng litrato ng dokumento ng mga designs na nasaksihan ko ng hindi sinasadya kagabi.

Hindi ako makatulog kagabi dahil sa pagkabigla ng lahat ng 'yon.

Bakit niya naman 'yon gagawin?

Nagpunta ako sa trabaho na dala-dala ang nangyari nang buksan ko ang pinto ng opisina. Nabunggo ako ni Raul, na papaalis na.

" Oh, my bad. Ikaw pala Amber. Magandang umaga. "

" M-magandang umaga. "
Bigla ay nagbalik lahat ng mga nakita ko kagabi.. bigla ay kinabahan ako.. at tumitig si Raul sakin, nagtataka.

" um, Anong problema? Parang matamlay ka buong umaga. "

" wala.. hindi lang ako nakatulog ng maayos kagabi, kaya puyat ako. "

" hmm, ganoon, 'wag mo masyadong pilitin ang sarili mo. "
Nang may magaan na kaway, umalis ng silid si Raul. Walang sinabing salita, pinanood ko lang siya na makaalis mula sa likod.

Kagaya ng dati, tama?

Kahit ngayon, hindi ako makapaniwala.,  o hindi ko lang kayang paniwalaan? Pero, sigurado ako sa anong nakita ko.

What the h*ll is he thinking?.

Kung may sasabihan ako. Ay kay Ashton ako pupunta. Pero, wala akong kahit na anong ibidensya. At sa lahat ng 'yon, kinokonsidera kung paano hinahawakan ni Raul ang mga trabaho kay Anri sa lahat ng pagkakataon.

Natatakot ako na nadagdagan pa ng gasolina sa Apoy na 'yon.

Bakit? Gaano na katagal niya itong ginagawa? Kung pinapadala niya iyong mga designs sa kalaban na kompanya..?

Terrible thoughts curled around my head.

Paano kong higit pa sa mga designs ang kinukunan niya ng litrato?

Natatakot ako sa magiging posibilidad ng lahat. Si Raul ang susi ng marketing department. Kapag kinuha niya ang mga plano ng marketing department ay may kaalaman siya at binunyag din ito..

" Anong problema? Bakit ka nakatayo sa entrance at mukhang naiinis? "

" A-ashton?.. ah, excuse me. Good morning. "

Nang bigla kong marinig ang isang boses malapit sakin, mabilis kong tinignan ang paligid. Si Ashton na bakas sa mukha ang pagtataka, ang sumulpot doon. Nang mabilis akong tumingin sa baba, sinubukan na makatakas sa titig niya ay bigla niya inabot ang pisngi ko at pinatingala ako. Kahit na sinabi niya hindi ako good tignan, sinubukan kong mawala ang bad mood. Masasabi kong pumupula na ng ilang segundo ang pisngi ko.

" you dont look so good. May nangyari ba? "

" hindi.. well, hindi lang ako nagkaroon ng sapat na tulog? Ang magkulang sa pagtulog ang worst nightmare naming mga babae. "
Tumawa siya, na parang guminhawa. Inunahan niya ako papunta sa boss's office.

Of course,.. kailangan ko parin kausapin si Ashton tungkol sa nangyari kagabi.

Pero, bago 'yon, kung walang matibay na proweba.. kung walang pwedeng gawin  para makakuha ng proweba ay napagdesisyunan kong lihim na mataan ang kilos ni Raul.

" tama, paalis ako para sa isang meeting, inimbita nila ako para sa isang inuman ngayon. Kaya didiretso na ako pauwi mula doon."
Nang makabalik ako galing sa pagdeliver ng ilang dokumento sa design section, as requested by Ashton Raul was just about to head off.

" Hm, Amber. Uuwi na ako pagkatapos nito, so hindi na ako babalik. "
Paalam sakin ni Raul.

"Goodwork today. "
Kaya diretsong uuwi si Raul ngayon kung ganon.

Ayaw kong isipin 'yon. Pero, pakiramdam ko na parang may mangyayari.

The Suit Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon