Page 11

685 26 1
                                    


Walang iba kundi ang babae na bumisita kay Ashton sa opisina kanina lang.

" Ano 'to, Ashton!? .. binaliwala mo ako, tapos ngayon nasa kandunggan ka ng ibang babae. "
Sigaw ng babae habang nakahawak parin ang guwardiya dito.

Lumawa bigla ang mata ko. Hindi lang dahil sa taglay niyang ganda, kundi dahil sa aura niyang nasa ibang lebel.

Nakakatakot siya.

" Kasamahan ko lang sa trabaho si Amber. Parte ito ng kanyang trabaho. Inaya ko siya para palitan ang ka pagkatapos ng nangyari kanina. "

" para palitan ako? Mas naging komplikado ang lahat at nagawa mo pang humanap ng ibang babae! "

" Naku, Naku hindi magandang tignan ito. Iiwanan ko na sayo ang pagresolba dito. Kita na lang tayo mamaya Amber. "
pagkatapos ng mga sinabi ni Sam, at iniwanan na niya kami.

" um, ako rin. "
Sambit ko para makisabay kay Sam.

" Manatili ka dito. "
Saway naman sa akin ni Ashton.

" .. Ashton? "
Patay.. anong gagawin ko?

Nang hindi nag bibigay atensyon.. nagsalita muli ang babae.

"Bakit hindi mo ako hinabol kanina, dapat pinuntahan mo ako pagkatapos sa sitwasyon na iyon. "

" Ikaw ang itong umalis. Wala akong rason para habolin ka. "

Ang hangin ay parang nagiging mainit dito..

" H-hindi pwede! Nagbibiro lang ako. Hinihintay lang kita na habolin ako."

" Ganoon ba? Pero sa tingin ko nakuha mo ang punto ng sobra. "

" Pwedeng pag-isipan mo, please Ashton? Nag overreact lang ako iyon lang. Kaya pakiusap wag mo akong iwan. "

" Hindi ako aalis. Sinabi ko na saiyo dati, na wala akong intensyon na makasama ka sa simula pa lang. Akala ko klaro ang lahat. "
Seryosong sagot naman ni Ashton.

" Hindi! .. hindi!.. hindi! Akala ko pwede na akong magpakasal sa isang komportableng buhay. "

Komportableng buhay.. ?

Sabagay, isa kaming sikat na french fashion brand, at natural para sa akin ang mag assume na ang brand manager ng philippine brand ng bagong brand ay napakayaman pero sapat ba iyo para may baliw dito?

Ang init na naramramdaman ko kanina ay naging intensunado.

" Ngayon alam ko na. Hindi ka talaga nag aalala sa akin. "

" O-oo naman mahal kita, Ashton. Pero walang mas gaganda kundi magpakasal sa taga pagmana ng isang mayamang pamilya, di ba? "

Tagapag mana ng isang mayamang pamilya?

Kita sa mukha nag pagkadisgusto ni Ashton. Ito ang unang pagkakataon na magpakita siya ng sobrang emosyon.

" Mukhang nagpadala ka sa mga walang kwentang chizmis tungkol sa akin, pero hindi ako ang gusto mo at dahil doon naging interesado ka sa akin. "

" walang kwentang chizmis? "

Nakatanga, napatitig ang babae sa kawalan, hinila siya ng mga guwardiya at sa pagkaktaong yon hindi na siya nagpumiglas.

" Mukhang doon na natapos. Sa ngayon, paano kung baguhin natin ang hangin dito at maglakad lakad tayo palibot ng event hall saglit? "
Suhestyon ni Ashton matapos ang nangyari.

" Sige. "
Walang anong sinabi si Ashton tungkol sa nangyari sa babae. Mahirap para sakin na pag-usapan ulit iyon. At sinubukan kong kalimutan na walang nangyaring ganoon.

" Talagang komportable ka sa mga ganitong klase ng parties, di ba? "

" Nanatili ako sa abroad ng matagal kaya napaka normal na masanay ako. Ang paternal grandfather ko ay kasbilang sa mga tinatawag natin na high society kaya, simula ng bata pa ako, ay dinadala na ako sa mga events gaya nito kahit na hindi ko gusto na gawin ang mga iyon pero parte iyo ng trabaho, hindi ba? "

" High society.. so totoo nga na membro ka ng isang mayamang angkan? "

Tumawa si Ashton sa naging tugon ko.

The Suit Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon