Page 3

899 26 2
                                    


Paalam!

Sigaw ng babae habang humihikbi at umalis

" My goodness, anong nangyari? Anong eksana iyon? "

Nagtatakang sambit ni beverly.

" Nagtataka nga rin ako. "

" hmm. So kayong dalawa rin pala ay nandito din?"

Tanong ni Ashton ng makalabas sa meeting room, halatang hindi niya inaasahan kami ni beverly doon.

" Sorry talaga"

Paumanhin ko sa kanya.

" okay lang. Kasalanan ko naman dahil hinayaan kong mangyari ito sa hallway., kahit na hindi ko naisip na mangyayari ang ganito. "

Sagot ni Ashton habang nakangiti pero halata sa mukha nito ang sakit.

" Hindi man lang namin nagalaw ang tsaa. Pasensya na dahil sa abala sa pag gawa 'non. "

" Hindi. Okay lang.. " (paano ko ba siya sasagutin? ) " It's not a big deal. Dapat nga ako ang humingi ng tawad dahil nasaksihan ko yun. "

" I appreciate your concern, pero ako ang sanhi ng gulong ito kaya dapat ako ang humihingi ng pasensya para doon. "

Sabi ni Ashton na parang wala sa kanyang karaniwang sarili.
( galit ba siya?, hindi ko masabi dahil lagi siyang nakangiti katulad ng natural na ginagawa niya. )
Na aware ako sa distansya namin sa isa't-isa.

" Di ba dapat hinabol mo siya? Sa tingin ko maabutan mo pa siya kung pupunta ka na. "

Suhestiyon ko.

" Hindi, Maliit lang ang pinag-usapan namin, pero kapag naging ganoon na naman siya ulit, walang makakapigil sa kanya. "

" Umalis siya ng ganon dahil lang sa maliit na pinag-usapan niyo? "
Si beverly.

" well, nagtanong siya kung anong pananaw ko tungkol sa future naming dalawa,.. at ang nasabi ko lang ay wala ako naisip na magkakasama kami."

Prangkang sagot naman ni Ashton at seryoso ang mga mata nito.

The Suit Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon