Page 8

498 20 1
                                    


Nakatingin siya sa akin habang nakabalik na kasama si Ashton, Nasupresa ang janitor. Humingi siyang tawad ng paulit-ulit dahil sa hindi pag'check kung nakulong ba ako. Ayon sa janitor, ang pintong iyon ay naka'lock para maiwasan na makapasok ang ordinaryong tao. Kaya, ang pinto ay siguro sinadyang buksan.

" Were in trouble.. salamat sa bagyo, ang pag-uwi ay parang isang bangungot."
Ani ni Ashton.

" kailan naging ganito ka lakas ang bagyo? Hindi ko man lang napansin. Siguro dahil sa nandito ako sa basement., pero ang isang bagay na napansin ko tungkol sa intensidad ng bagyo ay direkta sa pagkawala ng kuryente, pero pagpunta ng itaas, nakita ko ang pagsimula ng baha at nagpatuloy itong kumalat.

Kung ang tubig ay magsimulang bahain ang basement habang nakakulong ako doon kahit na ang isipin lang iyon ay kinalibutan pa ako.

Hindi lang parang kaya naming lumabas, pumara ng taxi, at umuwi. Sinubukan namin tumawag ng iba't ibang kompanya ng taxi, pero walang dumating para sunduin kami.

" Ang pagpapauwi sa mga staff ng maaga ay tamang desisyon pero parang mananatili tayo dito."
Si Ashton.

" I'm sorry. Kasalanan ko."
Pagkatapos, pinakita samin ng janitor ang dressing room kung saan pwede kaming manatili ngayong gabi. Nawalan ng kuryente, kaya ang tanging ilaw sa facility ay ang emergency lights. Pero, kumpara sa dilim ng basement ay nagpapasalamat ako kahit sa kaunting ilaw galing sa emergency lights.

" Ngayon at naisip ko. Ashton, hindi ba nabasa ka? "

" ano?.. o, ngayon at sinabi mo. I'd be bad if you caught a cold. Meron ba dito na pwede mong pagbihisan?
May tuwalya at kumot dito, pero.. wala akong pwedeng suotin dito. Hindi kasi pwede na gamitin ko ang damit na dapat na gagamitim ko sa presentasyon, ang silid ng mga damit ko ay naka sarado hanggang umaga para makaiwas sa mga magnanakaw.

Habang naghahanap ako sa dressing room para maghanap si Ashton, ay parang naging relax na.

" hangga't kaya kong patuyuin ang sarili ko gamit ang tuwalya. Ay okay na ako. "

" pero, kung patuloy kang magsusuot ng basang damit, maari kang magka'sipon. Kailangan mo silang patuyuin."

Dahil sa dressing room ay mayroon maraming hangers doon, kung isasampay namin ang damit namin, ay sigurong matutuyo kinaumagahan.

" tama ka.. well excuse me, then. "
Nang iabot ko sa kanya ang tuwalya, sinimulan na ni Ashton na hubarin ang kanyang jacket. Nang maiabot niya sakin ang jacket at sinampay ko, ay nilingun ko ulit siya. At nahubad na niya ang kanyang damit. Makita siyang nakahubad mula sa bewang pataas ay nagpasinghap sa akin bigla.

The Suit Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon