Ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko, At hindi ako makasalita. Nagsalita siya, at sinubukan na tignan ang mata ko. Ang boses niya, ay halos pasigaw na, ay naging malumanay at may emosyon.
" Amber! "
Tahimik lang ako.Nasa trabaho din siya.. nagulo ko na naman siya..
" I'm sorry... "
Sabi ko sa kanya ng paulit-ulit. Iyon lang ang kaya kong sabihin. Na para bang sumuko na siya, habang sinusubukan na icomfort ako.. mahigpit niya akong niyakap at hinaplos ang ulo ko." Its okay.. umuwi na tayo. "
Ang paglalakad ko ay hindi naging balanse, sinuportahan niya ako at nagsimula ng maglakad. Ang pakiramdam na ang brasi niya ay nakapulupot sa bewang ko ay mainit
At malakas, pero sa oras na 'yon.. ang init na pakiramdam na iyon ay masakit din.--------------------------
Ang trabaho namin sa france ay tapos na, at nasa eroplano na kami pauwi. Isang awkward na pakiramdam ang namutawi sa pagitan namin.
Kung isa lamang itong panaginip..
Ang kasiyahan na naramdaman ko bago pumunta ng france ngayon ay tila isang kasinungalingan.
Kahit na pinagdesisyonan namin na magsama, kahit anong problema ang makaharap namin.. ang tiwala ko sa pag ibig niya para sakin, na mabilis na tumubo ay nasira, nang napakadali.Okay na sana.. kung hindi kami nagpunta sa lugar na kinalakihan niya.
Kung hindi kami nagpunta, hindi namin makakatagpo si Charm. Hindi ko malalaman kong ano ang nalaman ko sa ngayon. Siguro masaya na kami doon.
Hindi, huli na nang malaman ko.
Kahit saang anggulo, pareho parin ang mga katotohanan. Bakit hindi man lang niya sinabi sakin? Hindi ba sapat na pahalagahan niya ako para sabihin niya? Ang mga salita na gusto kung itanong sa kanya ay ayaw lumabas.
Nagsisimula na silang mapuno sa loob ko mula sa araw na 'yon. Mabigat ang timbang nila sakin... pero hindi ko masabi ang kahit na ano sa kanila ng malakas. Pakiramdam ko 'pag sinigaw ko, mawawala siya sakin." Okay ka lang? "
Tumingin siya sakin, na may pag aalala sa kanyang mukha." Medyo pagod lang ako. "
Medyo tumawa ako matapos kong sabihin 'to.So kaya ko pang tumawa.. hindi ko na mag aalala pa sa kung anong meron ako ngayon.
"Talaga? Sabihin mo lang sakin pag hindi ah? "
Sabi pa niya, at kahit na pasulyap sulyap sakin, at concerned ang mukha. Iniwanan niya akong mag isa. Ang totoo ay, hindi ako makatulog nitong mga nakaraang araw.Sa tingin ko magagawa ko 'yon.
Gusto kong ibigay ang best ko sa paraan ko, at maging sapat na nobya para sa kanya. Nagawa ko na ang best ko patungo sa huli. Pero sa katotohanan, ang mundo niya ay napakalayo mula sa akin, .. masakit.
Ito ba ang tunay na rason kung bakit wala siyang maayos na nobya dati?
Hawak niya ang kamay ko buong magdamag. Na para bang nag aalala siya na baka mawala ako at sinubukan na kumapit sakin. Pero hindi ko kayang kumapit sa kamay niya bilang kapalit.
BINABASA MO ANG
The Suit Lover (COMPLETED)
Ficción GeneralMeet the Playboy Prince and boss of Amber, an assistant secretary... they will met many challenges before they end up in discovering their feelings towards each other.