Page 10

1.2K 31 1
                                    


Ilang oras makalipas..

" Bumalik na tayo? "
Tanong sakin ni Ashton ng makabalik ito pagkatapos ng tawag.

" sige. May trabaho pa naman tayo bukas di ba. "

" Salamat sa lahat, matt."

" Ang ganda ng lahat. "

" It's my pleasure. Good night. Sana makabalik kayo ulit. "

Si matt habang nagpapaalam kami paalis sa bar, Medyo tipsy ako nun. Ang lamig ng hangin sa labas kaya nanlamig ako.

Naglakad kami ng kunti bago marating ang kalsada., at may humintong taxi.

" Iinom ulit ako pagkatapos nito. "
sabi ni Ashton sakin.

" talaga? Ok lang siguro kung okay lang pakiramdam mo, pero mukhang pagod ka na ngayon. Wag ka masyadong uminom. "

" wag kang mag alala.. hindi ako magpupuyat at hindi magpapa late para sa trabaho o kahit na ano. "

Ngumiti si Ashton, at nginitian ko rin siya pabalik.

" Salamat sa lahat ngayong araw. Kita ulit tayo bukas. "

"The pleasure is mine. Salamat sa oras mo. Masaya akong makatrabaho ka. "

Pagkatapos ng mahabang paalamanan, tinapik nya ulit ang ulo ko. Habit yata ito ni Ashton na gawin sa mga tao.

Tumingala ako, at hinalikan niya ako sa pisngi.

" good night. "

" .. A-ashton!.. "

" Haha, nagiging mas cute ka pala lalo tuwing nag rereact ka.. Now, it would rude for me to hold you. "

Tinulungan niya ako papasok sa taxi habang nakatitig sa kin na parang natutuwa dahil sa naging reaksyon ko sa biglaang paghalik niya.

Namumula parin ang pisngi ko. Binaba ko ang bintana nang umandar na ang taxi at tumango sa kanya.

Nakatayo lang saglit si Ashton, nakangiti habang papalayo na ako.

( Ilang beses na niya akong hinahalikan siguro dahil sa tagal nito sa ibang bansa, normal na siguro sa kanya, pero isa akong pilipino, paano kung bigyan ko yun ng malisya? )

Nang masiguro kong hindi na siya nakatanaw ay dumikit ako sa upuan. Lumibot ako mata ko sa side mirror ng taxi.

( ha?.. )

May babaeng tumatakbo papalapit kung saan nakatayo si Ashton, at yinakap.

Ang magandang mukha nito ay naging masigla at pinulupot ang kamay nito sa leeg ni Ashton.

Tapos.. ay naghalikan ang mga ito na para bang magkarelasyon.

"ano?.. "
Nasabi ko bigla sa sarili ko.

" Anong problema?. Gusto mong umikot tayo pabalik? "

The Suit Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon