Page 11

692 17 0
                                    

" Charm? "
Dahan-dahan siyang lumapit sa amin.

Humakbang si Ashton para kausapin siya. Pero bago niya magawa, ay humakbang ito at tumingala para harapin siya.

" Nireject ko na ang engagement ko sayo. "
Maging si Ako o si Ashton ay tinago ang pagkagulat. Siguro ang resolusyon ay nagmula sa pride niya bilang mayaman na babae.

" Charm, I'm sorry at naging ganito.. " Namuo ang luha sa mata ni Charm dahil sa sinabi niya. Yumuko siya at kinagat ang labi, pero mukha siyang matapang sa mata ko.

" Ashton, I'm sorry about the accident.. minahal talaga kita. "
Pagkatapos ay hinarap niya ako.

" ikaw. Kapag hindi mo napasaya si Ashton, hindi kita mapapatawad."
At tapos nun, ay tumalikod na siya at umalis. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya. Kahit na nagdulot siya sakin ng hinagpis, nalaman ko na hindi ko magawang kahimuan siya.

Pinanood namin siyang umalis. Malungkot ang mukha ni Ashton.

" Mahal ko siya bilang isang kapatid. Pero sa tingin ko hindi yon fair sa kanya.. hindi ko dapat siya sinabihan na manatili sakin bilang isang kapatid. "
Umiwas siya ng tingin at bumuntong hininga.

" Lagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi ko gusto na masaktan siya kahit noong may girlfriend ako. Lagi kaming magkasama pero hindi.. sa isip ko ay mas masasaktan ang girlfriend ko. "
Nasaktan din ako, pero.. laging inassume ni Ashton na iniwan ng ama niya ang nanay niya. Hindi siya naniwala sa pag ibig at ngayon..

" please. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Iba ka sa taong yon na hindi naniniwala sa tunay na pag-ibig. "
Malungkot siyang ngumiti, at marahan kong hinawakan ang braso niya. Tumingin siya sakin.

The Suit Lover (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon