Chapter 19:Tristan and Kian

18 0 0
                                    

Paris POV

Nagising ako dahil sa liwanag na galing sa bintana ng kwarto ,nakatulog pala ako kagabe.

Nakita ko si Tristan na tulog pa sa tabe ko,anong oras kaya to natulog .

Kinuha ko yung cellphone ko sa mini table ,26missed call galing lahat kay Kian hala bakit kaya.

Tawagan ko nga ,nakatatlong ring at sinagot na niya.

(Hello ,good morning haha)
"Bakit ka tumawag kagabe?di ko nasagot kase nakatulog na ko"

(Ah wala ,I just want to make sure that you're okay )

"Ah yun lang ba ,wag mo na isipin yun ,thank you for the concern "
(Welcome ,ibababa ko na ha nandito na kase sila xavier,bye)

Tyaka niya binaba ,bumangon na ko at dumeretso sa banyo para mag toothbrush ,gigisingin ko na din si Tristan aayain ko mag jogging.

Dinaganan ko siya para mabilis gumising.

"Tristan ,gising ka na dyan jogging tayo dali"

"Uhm ,Ikaw nalang antok pa ko "- sabe niya ,ganun ayaw mo ko samahan .

" Si Kian na nga lang aayain ko ,matawagan nga"-nilabas ko cellphone ko ,alam kong nagseselos to kay Kian e Kala mo naman maaagaw ang maganda niyang best friend .

"Hindi !ako nalang sasama sayo wait lang magbibihis ako"- agad siyang bumangon sa higaan at nagbihis sa cr.

Hahaha galing ko talaga.

Naka short ako na gray,black na sando at addidas na rubber shoes .

Si Tristan naman nakajagger pants tas v neck na t shirt ,at addidas na rubber din parehas kami.

" Tara na ,bagal mo "- binatak niya ko excited.

" Wait lang kaladgad pa more"

**
"Uy hinto muna tayo pagod na ko "- reklamo ko bilis bilis kase jogging kase hindi takbo.

" May karera ba ha ang bilis bilis mo "

"Ang bagal mo e ,mainit na mamaya "- tyaka siya umupo sa gilid ng kalsada." Lika punta tayong park"

"Oy Paris !"- may tumawag sakin kaya napatingin kami ni Tristan sa likod.

Si Kian pala.

" Oh kian nagjogging ka din pala"- bati ko sa kanya.

"Oo e ,uy Tristan ikaw pala ,musta pre?"- bati niya kay Tristan ,natatawa ako kay Tristan kase nakasimangot nagseselos siguro to,Maasar nga.

" Okay lang"-  tipid na sagot niya.

"Sama ka samin sa park ?"- aya ko sabay ngiti ng nakakaloko kay Tristan ,hala inirapan ako bakla talaga.

" Diba Paris di na tayo pupunta ng park diba pagod ka na ,kaya uuwe na tayo "- binihat niya ko na parang bigas," Pre una na kami ha ,next time nalang "

"Ibaba mo ko ,kian tulong "- sigaw ko sa kanya.

" Haha ingat kayo brad ,bye Paris "- sigaw ni Kian.

**

Binaba niya ko sa sofa .

" Badtrip ka ,inaya ko lang naman yung tao "- binatukan ko siya.

" Eh diba bonding nga naten diba bat isasama mo yun "- sigaw niya ,seloso.

" Ang seloso mo Tristan ,unggoy ka talaga "- sabay kurot sa ilong niya.

" Shut up!"- sigaw niya,sabay bato ng unan sakin.

"Seloso ka bleh :P"

Naghabulan kami sa buong bahay ,pikon talaga.

-------------------------------------------------------------------------------------------

Queen's DelicacyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon