Chapter 11-Danger

417 23 17
                                    

Why are you doing this to me Pocketbook!? Urgh!

I will still choose you. I will choose you, Cyker. Paulit-ulit na nirereplay yan ng utak ko. Kahit kahapon pa tapos yung meeting, eto pa rin ang laman ng isip ko. Like duh!? Alam ko namang walang meaning yun pero bakit parang gusto kong lagyan ng meaning?

"Cyker, akala ko aalis ka." Nasarapan ko yata ang pagmumuni-muni. Napansin tuloy ako ni Mom.

"Ah, Mom wala may iniisip lang. Nakuha ko na po pala yung card ni Terrence. Ang galing niya Mom. Walang line of 7." Proud na proud kong sabi.

"Oh talaga? Ang galing naman ng ading mo. Ano ba mga grades niya?" Excited na tanong ni Mom.

"English-65 Math-67 Science-60 Filipino-64 EP-69 MAPEH-68 AP-63"

"Wow! Wala ngang line of seven!

.

.

.

.

At ikaw Cyker, gusto mo bang magkaroon ng lines yang mukha mo? Pinaglololoko mo ba ko Cyker?!" Ooh. At nagiging red si Mommy. Biglang uminit yung paligid. Naglalabas siya ng heat. Oh gosh, why did I forget that she was a star? Baka sumabog pa siya at magkaroon ng supernova dito.

"Oh Mommy, relax. Baka magsupernova ka na diyan. Bye Mommy! I love you!" At lumabas na ko kaagad ng bahay. Mahirap na, pag nagagalit si Mom, naglalabas siya ng helium at hydrogen. Nakakaubo yung mga gas na ineemit niya. So saan na nga ba ako pupunta? Ah.. sa movie house.

I prepared myself and head towards the movie house. This is it. But unlike the old times, I'm alone. No Lee. No Angela.

I sat at a vacant seat infront and –

"UI TATABI AKO SA'YO AHH!!" Lumingon ako sa tabi ko kung saan nanggaling yung boses. Gosh!!! Na-pa-ka-i-ngay. Akala mong speaker.

"NAIINGAYAN KA BA?! SORRY HAH!! SPEAKER KASI AKO SA PAST LIFE KO! HAHAHA!!" So that explains her oh-so-noisy mouth.

"Ahh, Ok. Ahm, I'm Cyker and you are?"

"HELLO! AKO NGA PARA SI ARCY!! ANG FRIENDLY MO NAMAN!!! HAHAHA!!" Oh gosh. Maling desisyon na kinausap ko pa sya. Ang sakit sa tainga. Nginitian ko na lang siya at humarap sa kabilang side.

"Oh, Cyker ikaw pala." sabi ni.. Lee?

"Lee.... And Aleah?" I don't want to believe my eyes. Come on, hindi totoo ang nakikita ko. So, lahat ng babae dinadala niya sa movie house and I'm so fool to believe him that I was the only one.

"Solo flight?" then Aleah smirked. Psshh.. She is Lee's girl of the week. My gosh! I'm not into Lee anymore pero.. the fact na parehas kaming nainvolve kay Lee, parang magkalevel na lang kami. And that's the last thing I want to happen.

"So ano? Hindi ka makapagsalita? Wala bang lalaking gustong samahan ka?" Makapagsalita naman tong Aleah na to. Papalitan ka rin niyan next week! Si Barbie nga pinagsawaan niya, ikaw pa kaya?

"So ano tunganga forever? Aminin mo na lang kasi na walang gustong sumama sa'yo!"

"I am with her." That voice. I turn to look at my savior, Rake. Mukhang napahiya etong si Aleah. I smirked mentally. Tumingin ako kay Rake na nasa tabi ko na ngayon and I mouthed Thank you. Paano niya kaya napaalis dun si Arcy? Baka ilang sigaw pa ang nakuha niya bago mapaalis yun.

"OI!!!!!!!!!!!!! TUMAHIMIK NA KAYO! MAG-IISTART NA YUNG MOVIE OOHH!!" Oh gosh! Hindi ba pwedeng iminimize yung volume ng speaker na to? Kaasar.

Then the movie starts...

Amy's bestfriend had a break up with her boyfriend. Ibigsabihin, magbrebreak si Angela at si Victor!? Well, well, well, buti naman. Biro lang.

And then Amy saw a crime scene again. Na naman!?! Oh gosh! Hindi ko na kakayanin! I have the power to change my story right? Pwede naman siguro akong umiwas. Sobrang trauma na ang naranasan ko.

The unknown killer's next victim is.. Oh my gosh! No! 

.

.

.



















His next victim is Amy's brother. My brother.



Terrence



Past LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon