Chapter 41-DVD

351 27 3
                                    


"Pasensiya na sa inasta ko kanina. Kalimutan na natin yang halalan na yan. Soon, magiging mayor din ako." Napangiti ako nung sinabi yan ni Dad habang nagdidinner kami. Buti na lang, nakarecover siya agad ngayon. Ang saya-saya niya. Last time kasi umabot pa ng isang buwan bago siya makarecover. Pero hindi pa rin kumpleto yung saya na nararamdaman ko. Hindi mawala ang isip ko kay Rake.

"Ate, totoo ba yung bali-balita? Nawala daw si Kuya Rake at Kuya Lee? Pakiramdam ko nga ikaw ang kumidnap sa dalawang yun."

"Makabintang ka naman diyan!"

"Eh pinagpapantasyahan mo yung dalawang yun eh."

"Baka ako yung pinapantasya nila noh."

"Hahaha! Galing mo talagang magjoke Ate!" Eto na lang yung pwede kong gawin, tumawa para kahit papaano mawala ang isip ko kay Rake.

"Kinidnap ni Lee si Rake pero ayaw maniwala sa'min ng mga pulis. Pupunta ako mamaya sa police station. Hindi ako titigil hangga't hindi ko sila nakukumbinsi." Hindi ako titigil sa paghahanap sa kaniya. Wala akong pakialam kung saan man siya dinala ni Lee. I will find him. No matter what it takes, I'll find him.

"Sweetie, wag ka ng pumunta sa police station. Papapuntahin ko na lang sila dito mamayang 7:00pm sa bahay para makausap mo at wag ka ng mapagod." Napangiti ako.

"Salamat Dad."

~~

7:30pm nang dumating yung mga pulis. Nagserve si Dad sa kanila ng tea at tinapay. Sinabi ko lahat ng nalalaman ko sa kanila.

"So what do you mean Miss? Nadoon ka sa lahat ng mga krimen? Nakakapanghinala naman yun." Sabi nung isang pulis. Biglang umurong yung dila ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Ahhmm.. Hindi po. Yung mga iba, kwinento lang po sa akin."

"Hindi tayo pwedeng dumipende sa kwinento lang."

"Pero may iba pa ba kayong magagawa?! May iba ba kayong ebidensya?! We're running out of time. Kung hindi pa kayo kikilos, baka kung ano nang mangyari kay Rake! Hindi niyo ba naisip yun? Trabaho niyong protektahan kami! Gawin niyo ng maayos yung trabaho niyo!"

"Sige po Ma'am. Pag-uusapan po namin yan. Pumunta na lang po kayo sa police station bukas ng umaga." Aalis na sana sila nung tinawag ulit sila ni Dad.

"Magmeryenda po muna kayo bago kayo umalis. Sayang naman po yung hinanda kong tea at mga tinapay." Tapos ngumiti siya sa kanila. Alam kong ginawa niya yun para makabawi sa manners ko kanina. Nakipagkwentuhan at tawanan si Dad sa kanila. Pagkatapos nilang magmeryenda, umalis na rin yung mga pulis.

"Cyker, ayoko yung ginawa mo kanina. Matuto kang rumespeto." Tinawag niya na ko sa pangalan ko, kinabahan na ko.

"Sorry Dad."

~~

5:00am palang gising na ko. I did my morning rituals at palabas na ng bahay.

"Sweetie, Saan ka pupunta? 6:00 pa lang."

"Dad, pupunta na po ako sa police station. Kailangan ko na po silang kausapin." Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko pa siya nakikita.

"Mamaya ka na pumunta dun. Baka pinag-uusapan palang nila."

"Pero Dad—"

"May pupuntahan din ako ng 7:30, Ako na mismo ang maghahatid sa'yo mamaya. Tabihan mo muna ako dito. Ang tagal na nating di nakakapagwentuhan." Kaya sinunod ko siya. Namiss ko si Dad. Alam kong way niya lang ang pakikipagkwentuahn sa'kin para maaliw siya sa pagkatalo niya at maaliw din ako sa lahat ng mga nangyayari. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa hinatid niya na ko sa police station at umalis na siya. Pumasok na ako at nakipag-usap sa mga pulis.

Past LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon