Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. May 19 na babae sa nakapalibot sakin. Kaparehas ko ng mukha. Kaparehas ko ng damit. Repleksyon ko talaga! Tinignan ko si Rake na naguguluhan sa mga nangyayari.
"Rake Meander! Ako to si Cyker!" Sigaw ko pero sumigaw din yung mga pekeng Cyker na kasama ko.
"Sino ba talaga si Cyker sa inyo?!"
"Ako!" At tinaas ko yung kamay ko pero ganun din yung ginawa ng mga pekeng Cyker. Sumigaw ako kay Rake pero sumisigaw din sila. Paano mahuhulaan ni Rake kung sino talaga ang totoong Cyker sa'min?!
"Ok girls. Huminahon muna kayo. Keep quiet!" Lahat kami huminahon.
"Kung ikaw si Cyker. Kapag tama ang sasabihin ko umupo ka. Kung mali, manatili kang nakatayo. Cyker, ang past life ng tatay mo ay.. isang kwekkwek!" Limang pekeng Cyker ang umupo.
"Hindi kayo si Cyker!" Sigaw ni Rake and then.. Puff! Biglang naging smoke yung lima. 14 to go. Nice job Rake Meander.
"Cyker, ang apilyido mo ay.. Meander. You are Cyker Meander." My fist turned into a ball. What?! Cyker Meander?! Saan naman niya nakuha yun aber?! Kailan pa napunta ang apilyido niya sa pangalan ko! Tignan mo etong pocketbook na to, mukang nag-eenjoy pa. Kaasar. Cyker Meander pala huh. Pumunta ako sa harapan niya kasabay ng tatlong pekeng Cyker.
"Ang kapal mo Pocketbook! Bawiin mo yang Cyker Meander! I am not Cyker Meander!" Sabay sabay naming sigaw. Napasmirk si Rake.
"Lahat kayo maliban sa mga nagreklamo dito sa harap, hindi kayo si Cyker!" Puff! Naglaho silang lahat maliban sa mga nagreklamo sa Cyker Meander. So strategy pala yun ni Pocketbook para malaman kung sino talaga ang totoong Cyker. Apat na lang kaming natitira. Nilapitan ni Rake yung isang pekeng Cyker.
"Hi." Pacute nung Cyker kay Rake at tignan mo, hinaplos pa yung braso ni Pocketbook. It's really embarassing seeing myself flirt with Pocketbook. Kahit peke pa siya, itsura ko pa rin yung nasa mukha niya. Ang awkward lang.
"You are not Cyker." Puff! Nawala na yung malanjut na Cyker. He knows I will not go flirting with him. Sunod niyang nilapitan yung isang Cyker. At tinaasan lang siya ng kilay. Bigla akong kinabahan. Kung ako ang nasa sitwasyon ng pekeng Cyker na ito, ganun din ang gagawin ko. Parehas kami ng ugali ng doppelganger ko.
"Cyker, ang ganda mo ngayon ah." A part of me is jealous that he admires her, and not me. Then I realize na parehas lang naman kami ng mukha.
"Lagi naman. Anong bago dun Pocketbook?" Bakit gayang gaya ako ng doppelganger na to?
Hinawakan ni Pocketbook ang kamay ng pekeng Cyker na to at tinitigan sa mata.
Rake, hindi ako yan! Come on! Wag mo siyang ientertain.
"Do you love me?" Tanong ni Rake sa kanya. My heart hallucinates on his question. Why ask that kind of question? It has nothing to do with this challenge!
Tinitigan lang ng doppelganger ko si Rake at sinabing, "No."
Nagsmirk sa kanya si Rake. "You are not Cyker." Puff! Naging smoke na lang siya. Dalawa na lang kaming natitira and it's my turn para ienterrogate niya.
"Ikaw ba si Cyker?" Tanong niya sa'kin.
"What do you think?" I smirk at him. Lets make it hard for you.
"Aba malay ko ba. Kaya ko nga tinatanong para malaman ko."
"Edi alamin mo."
"Pwede ko bang hawakan ang kamay mo?"
"Hindi pwede." Pero hinawakan niya pa rin yung kamay ko, nagpaalam pa siya. Pfft. His touch sends million electric waves in my body. Sinubukan kong bawiin pero hindi niya hinahayaan. I cannot concentrate. I can feel my palm above his.
"Do you love me?" I look at him. I look at his green eyes. Green? Bakit parang dati Blue yan? Tapos dati parang Black?
Ok Cyker, enough. You're just changing the topic.
"Cyker, do you love me?" He repeated the question. I just look at him. And I realize that I can stay here forever just staring at him. I can be trapped in this abandoned school for a year with him by my side.
Then I answered him, "No."
BINABASA MO ANG
Past Life
Science FictionA STORY YOU'VE NEVER READ BEFORE. My brother is busy shaving spikes in his skin. One of the perks of being a cactus in your past life. Lee can extract venom into one's body One of the perks of being a snake in your past life. Angela turns...