Chapter 14-Third crime

430 25 12
                                    


Tumakbo ako papunta sa lugar na yun. Madilim, maraming puno at nakakatakot. Puro mga paniki at hangin lang ang maririnig mo doon. Pero wala akong pakialam. Kailangan ako ng kapatid ko.

"Cyker, delikado." Napahinto ako sa pagtakbo nung pinigilan ako ni Angela.

It would be a suicide, Cyker. Naalala ko na naman yung sinabi nung taong yun nung gabing yun. And I know this would be a suicide pero hindi ako pwedeng tumunganga dito habang nasa panganib ang kapatid ko. I gave my phone to Angela.

"Call Rake." Hindi ko alam kung bakit siya ang unang pumasok sa isip ko. I just feel that.. I need him. At hinarap ko si Arcy na kanina pa iyak ng iyak. "Arcy, sumigaw sigaw ka at humingi ng tulong. Panigurado, may makakarinig sa'yo." Kinuha ko yung tubig na nasa picnic basket at uminom ng kaunti hoping na baka maging kalmado ako at tumakbo ulit ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ang dilim ng lugar na halos wala akong makita. Kung nandito lang sana si Mama.

Pero wala kong ibang aasahan ngayon kundi ang sarili ko. Isip. Isip. Yung cellphone ko may flashlight yun! Tsk. Kaso pinahawak ko kay Angela. Mag-isip ka pa Cyker! Mag-isip!

Buwan.

Buwan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tama. Ang tanging liwanag ko lang ngayon ay ang buwan. Pero masyadong maraming puno dito na may maraming dahon kaya natatakpan ang liwanag mula sa buwan. Pumunta ako sa lugar na walang masyadong puno at doon masnakakakita na ko.

"Tulong! Tulong!" Natakot na naman ako at kinabahan. Nandito lang sa tabi ko yung boses. Malapit lang siya. Malapit lang sila. Tumingin ako sa likuran ko, natatakpan ako ng isang malaking puno at... nandun sila sa hindi kalayuan. Gusto ko siyang puntahan pero hindi pwede. Kailangan kong gumawa ng plano. Gosh! He's just thirteen years old! He doesn't deserve this! Nakahood yung kriminal kaya hindi ko siya makita. He's holding my brother. Habang si Terrence iyak ng iyak.

Cyker, mag-isip ka ng plano. Mag-isip ka.

Ano bang marami sa gubat?

Mga puno, hayop, nakakatakot na lugar, huni ng ibon, patibong, damo, .. oh wait. Patibong. Pwede ko yung gamitin at-

Bigla na lang may kamay na tumakip sa bibig ko. And swear my heart beats faster than normal. This must be my end.

"Cyker, calm down." It is his voice. Why didn't I recognize the touch of his soft hands this time? Siguro dahil kinakabahan na talaga ako. Tinanggal niya na ang kamay niya sa bibig ko at nilingon ko siya. He looks very mysterious under the moonlight. He seems very calm and at peace. Nagulat na lang ako na yung pagiging kalmado niya ay napalitan ng pagkagulat. I thought sa akin siya nagulat pero tumingin ako sa likuran ko. The killer is about to attack my brother. May hawak yung killer, something sharp, something pointed pero hindi ko marecognize kung ano yun.

"It must be a knife." Sabi ni Rake sa likod at naramdaman ko ang mga balahibo ko na nagsitayuan. No.

Lumiliwanag yung knife sa dilim at papalapit ito sa leeg ng kapatid ko. No way. This is not happening.

But my brother, showed his spikes kaya napaatras yung criminal. His thorns are longer and more pointed this time. My brother must be really terrified. I need to save him. I need to make a plan as soon as possible!

"Rake, we need to make a plan." I whispered.

"Do you have something in mind?"

"Ang alam ko lang, maraming patibong dito. We can use that." Hindi siya kumibo. Hindi niya siguro nagustuhan yung plano ko.

"I'm sorry. That's lame." Sabi ko na lang baka kasi nahihiya siya na sabihang pangit ang nasa isip ko. I'm weak in his eyes right?

"No. That's brilliant. May alam akong patibong dito sa gubat. Dun sa puno ng Narra, tatakbo ka sa kanan tapos sa kaliwa tapos may makikita ka doong puno ng mangga. Sa gilid ng puno, may butas dun na malalim at natatakpan ng mga dahon at --."

"Nooooooo!! Pakawalan mo ko!!"

Nanginig ako nang marinig ko ang sigaw niya. Nakatalikod sa'kin ang kriminal. Kaharap niya si Terrence. At sa pagitan nila, may maliit na sindi ng apoy. Bigla akong kinabahan. Apoy lang ang nakikita ko. Hindi ko alam kung posporo, lighter o kung ano man ang gamit niya. Napadako ako sa kanang kamay ko na may hawak ng bottled water. Dala ko pa pala tong tubig na kinuha ko sa picnic box kanina. Akmang ihahagis na nung killer yung apoy kay Terrence ay lumabas ako sa pinagtataguan ko at sinaboy yung tubig sa apoy.

I saved my brother from danger.. by catching the attention of the one who gives us this danger. Napalunok ako. Lagot na.

"Ate.. run! Run for your life! Just let him kill me! Run!.. please." He's begging. Nabato ako sa kinatatayuan ko. I slowly raise my head and turn to look at the one who brought this danger. Hindi ko makita yung mukha niya perong kita kita ko yung labi niya. I saw his lips form a smile. That creepy smile I saw from the second crime.

At wala na kong magagawa ngayon kundi... tumakbo.

I run and run and run... I escaped from death.

But the death is chasing me. The killer is chasing me!

Tumakbo ako at hinahabol ako ng criminal. Maganda na rin to, nalayo ko siya sa kapatid ko. Halos hindi ko na makita ang tinatakbuhan ko. Madilim, nakakatakot, punong puno ng puno. Takbo, takbo.. naririnig ko yung mga yapak niya sa likuran ko. Sinilip ko siya, hindi pa rin nawawala yung ngiti niya, nakakatakot.

Hindi ko namalayan na may bato sa harapan ko..

I just felt my body on the ground. Nadapa ako. Patay.

Pero agad akong tumayo at tumakbo ulit. Papalapit na siya sa'kin. Adiyan na siya..

Nadaanan na namin yung Narra. Tumakbo ako sa kanan, tapos sa kaliwa. At natanaw ko na yung puno ng mangga. Konti na lang. Malapit na ko. Handa ko na siyang ihulog sa patibong nang..

Hinila niya ko. He pulls me away from that tree and gave me a punch, a strong punch. Ouch. But I kicked him, on the part that it will hurt the most. Napatumba siya sa sakit. Nanginginig na tinignan ko yung tabi ng puno, ang raming mga dahon. Eto na siguro yung sinasabi ni Rake. Nilagpasan ko yun at sinigurado ko na hindi ko matatapakan yung parteng yun. Tumayo na ulit ang kriminal na nasa harap ko. He is wearing that smile again and it gives me shivers. I pray in my mind. Let the plan work, please.

Naglalakad na siya papunta sa akin.. isang step na lang mahuhulog na siya. Take that step. Come on! But he stops.







And swear I lost my breath.











Pero muli siyang humakbang..

Boogsh! Nahulog siya sa patibong. Agad agad akong tumakbo palabas ng lugar na yun. I am saved. I am alive.

~~~

"Ate! Ate!" at niyakap ka agad ako ni Terrence. Mugtong mugto yung mga mata niya. Kanina pa siguro siya umiiyak. May mga pulis na rin. I hugged my brother real tight. I thank God for saving my brother. He really never fails me.

"Shhh.. Nandito na si Ate. Wag ka nang umiyak." Kumawala ako sa yakap ni Terrence para harapin siya. He's safe now. Para bang nabunutan ako ng napakalaking tinik sa lalamunan ko. He's safe now.

"You're alive, Cyker." Said Rake. I never saw him worried before. Iniscan niya pa yung katawan ko at nagtatatanong kung may sugat ako o pilay. Anong nangyari dito? "You're really alive Cyker."

"Yes, I am. Weak ones escape death-" He hugged me. Rake Meander hugged me. I feel his warm arms around me. and I feel his hand on my back. I was stunned for a moment. He even pull me closer to him. I attempt to hug him back, but I'm nervous. I feel uneasy. why am I feeling this?

"Don't make me worry again, Cyker."





Past LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon