Chapter 29-Secretary

338 20 2
                                    


After 5 minutes, tsaka palang dumating yung mga bumbero. Great. Now my scriptwriter is playing with me. I shouldn't be careless next time. I shouldn't miss any episode of my movie.

I was drowning in my thoughts when I saw him. Inoobserbahan niya lang kami mula sa mga puno.Ang tanong bakit siya nandoon? Bakit parang kanina pa siya dito?

Tery.

~~~

Pagkauwi ko sa bahay, punong puno ng mukha ni Dad. Posters, clocks, calendars at kung anu-ano pa.

"Oh Dad, model ka na pala ngayon? Di mo ko ininform."

"Haha! Ate, tatakbong mayor ang Daddy mo diba?" Paalala sa'kin ni Mom.

"Sus. Kahit naman wala yang mga ganyan, for sure mananalo si Dad." Pabida ni Terrence. If I know, gusto lang ni Baby bro ng dagdag baon kaya ganyan.

"Oh Dad, Dagdagan mo naman yung baon ko bukas. May date kami ni Arcy." I told you.

"Ah.. eh.. yun na nga mga anak. Ahm sorry, medyo short tayo ngayon. Malaki kasi ang nagastos sa pangangampanya." Nakikita kong nahihiya sa amin si Dad. I want to comfort him in any way I can.

"Dad, it's OK. Okay lang talaga. Wag niyo na rin akong bigyan ng baon. I can manage. Idagdag niyo na lang sa mga gastusin dito sa bahay." Sabi ko at parang nagulat sila. Isa pa, may nag-ooffer sa'kin ng part time job.

"Sweetie, no! I can't take your offer."

"Dad, meron namang nag-aalok diyan na part time job. At sa isang film company pa. Kahit pa maluwag tayo ngayon, I will still take that opportunity. You know how I love the film industry and I want to be a part of it. Baka steppingstone na to Dad." Funny. At paano naman naging stepping stone ang pagiging secretary sa pagiging director. Our family is in need, ayokong tumunganga lang.

"Don't forget that I can sense chemicals in your brain, Sweetie. You are doubting your decision." Urgh! Brain Dad! Pero in the contrary, naeexcite din naman ako. New environment, new friends, new experiences.

"Of course Dad, I'm so young to work pero 18 na ko. Atsaka isa pa, gusto ko rin ng new environment. Sawang sawa na ko sa mga mukha sa school." Sawang sawa na ko sa pagmumukha ng isang lalaking pocketbook na nagngangalang Rake. Nakakairita.

"Mukha ngang sawang sawa ka na. Your brain chemicals are proving it. Too much hatred my dear." Mukha namang nacoconvince ko na si Dad. Kongting push na lang.

"Mommy, ano sa tingin mo? Papayagan ko na ba siya?" Tanong ni Dad kay Mom. Napatingin sa'kin si Mom at mukhang nag-iisip. Buti na lang umaga ngayon at hindi siya masyadong nagliliwanag.

"Are you sure about this Cyker? Paano mo pagsasabayin ang studies at trabaho?"

"Mom, gabi lang naman ang trabaho ko eh. Tsaka, you know how I love to be in the film industry. For sure, mag-eenjoy ako dito. Please. Mukhang mabait naman yung boss kong si Mr. Castor."

"Fine, pero once na hindi mo na kinaya, please don't be shy to inform us." Napangiti ako sa sinabi ni Mom.

Mission Accomplished. At tila naman nabaling ang attention ni Mama sa paglagyanan ng tooth pick na wala ng laman.

"Inday!! Bakit ang bilis maubos ng mga toothpick natin!?" Sigaw ni Mommy.

"Hindi ko alam Ma'am. Pagginagamit ko naman, binabalik ko."

~~

Papunta na ko sa film company ngayon.

"Mom, punta na po ako. Pwede po ba akong makahingi ng 500?" tanong ko kay Mom.

"Ano 400? Ang laki naman ng 300 na hinihingi mo!? Anong gagawin mo sa 200? Kala mo ba madali lang makahanap ng 100? 50 nga hirap ko nang kitain, 20 pa kaya?swerte ka may 10 pa ko, oh eto 5 pesos.." Sabay abot niya sa'kin ng limang piso.

"Akin na nga yan Mom. Baka maging piso pa, mahirap na."

~~

Ngayon na ang simula ng trabaho ko. Bilis neh? Wala kong sinayang na oras. Wala na talaga akong pera. Papasok na ko sa building nang biglang nagring yung phone ko.

 Papasok na ko sa building nang biglang nagring yung phone ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napangiti na lang ako. My bestfriend doesn't fail to give me reminders. Although her reminder is not a good one. Pumasok na ko sa building at hinanap si Ms. Karen nang may marinig akong sumisigaw.

"SIKER!!! SIKER!!!" I laugh mentally. Siker? What an ugly name. Panget ah.

"What an ugly name." I whispered to myself and laugh. I was shocked when Ms. Karen grabs my arm. Don't tell me ako yung tinatawag niya?!

"At last you're here Siker." Ay wala pa po ako dito. Picture ko lang to. At kailan pa naging Siker ang Cyker?

"Ah, Ms. Karen."

"Tamang tama. Turn to your left, he's our boss. Mr. Castor." So I did. At nanlaki ang mga mata ko. Weh? Seryoso? SI Grandpa? Siya yung boss!?

"Surprise, Cyker?" tanong sa'kin ni Grandpa.

"Oh my gosh! Grandpa I never thought Castor po pala ang pangalan nyo! You lead this company? Wow!" Kaya pala ang raming movies ni Pocketbook, his family is involved in the film industry.

"It's good to see you hija. Hindi na kita nakita sa bahay. Take care of my apo. Be a good secretary to him." Napanganga ako sa sinabi ni Grandpa. Ano raw? Pakiulit? Apo? Ako, magiging secretary ng gorillang pocketbook na yun!? No way!Gosh! No way!

"Excuse me, Grandpa? Apo niyo?"

"Oo. Trinetrain na kasi siya dahil siya na ang susunod na maghahandle ng company namin. Kaya nga gabi lang ang trabaho niyo cause you still need to attend school. Actually, nirecommend ko talaga kay Ms. Karen na kunin ka."

"I will never deal with that Rake Meander, Grandpa!" Mukha namang natuwa pa si Grandpa sa reaksyon ko. Binigyan nya ko ng nakakalokong tingin.

"And why are you thinking about Rake? Hmmm... Well much to your disappointment, hindi si Rake ang magiging boss mo. Iba ko pang apo. Pinsan ni Rake."

"Ha-ha-ha Grandpa. I am not disappointed. Laking pasasalamat ko pa nga po eh."

"Don't worry, masgwapo pa sya kay Rake." I just rolled my eyes at Grandpa. Mukha namang nagtataka si Ms. Karen sa closeness namin ni Grandpa.

Pfftt.. Masgwapo raw kay Rake? Might as well judge it with my own two eyes. I follow the lead of Ms. Karen papunta sa desk ko na nakalagay sa labas ng office nung boss ko.

"Okay Siker, this is your desk. Tatawagin ka ng boss mo sa loob ng office niya kapag may kailangan siya pero ngayon, magpakilala ka muna sa kaniya. Pasok ka na sa office. Your boss will be the one to give you instructions."

Kaya pumasok na ko sa office pero yung boss ko nakatalikod sa'kin at mukhang pinagmamasdan ang mga city lights sa glass wall. I can't identify his figure kasi nakaupo siya sa office chair niya. I suddenly feel nervous. What if suplado pala tong pinsan ni Rake? What if sadista pala ito sa mga secretary niya? Basta ang mahalaga, gwapo daw. At yun na lang ang iisipin ko. Slowly, he turns his chair in my direction. I feel the fast beating of my heart. Nung nakita ko na yung mukha niya.

Bigla akong nanlumo.

Bakit may gorilla ditto!?

Pinagloloko ako ni Grandpa. Aawayin ko talaga si Grandpa!

"So you'll be my secretary, Cyker." Said Rake.

Past LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon