Nakarating na ko sa school ng medyo puyat. Ang late ko yatang nakauwi kagabi. Umupo na ko sa desk ko. Buti na lang at may reporting lang na gagawin ang ibang grupo.
"May pencil ka?" Tanong ni Rake.
"Wala eh." Pero ang totoo naman talaga, meron. Ayaw ko lang siyang pahiramin baka di niya isoli. Pakiramdam ko pangit pa man din ang ugali ng lalaking yan.
"Pfft. Ayaw mo lang magpahiram. Ang damot mo." At lumayo na siya sa direksyon ko. Ang kapal nya hah!
"Eh bakit di ka kasi bumili ng lapis. Pitong piso lang oh. Ang kuripot mo!" Napalingon siya sa direksyon ko nung sinabi ko yun. Aba! Totoo naman eh!
"Kailangan na nga ni Aleah ngayon."
"Eh bakit di kasi siya bumili kanina? Akala ko ba masyadong importante ang oras para sa kanya kaya di uso sa kanya ang manana habit?"
"Don't talk to her like that!"
"Then don't talk to me like that."
"Stop you two!" I turn my head around to look at Barbie. "Malapit ng magbell at mag-iistart na ang reporting. Tumigil na kayo."
Napahinto kaming dalawa ng perwisyong pocketbook na ito. "Hindi pa tayo tapos, weak." He warned me atsaka lumayo. I clenched my jaw. Tinatawag na naman niya akong weak, and how dare him to call me that!?
"OK ka lang Cyker?" Tanong ni Barbie at pinaupo niya ko sa upuan sa tabi niya.
"Ano bang nangyari sa inyo ni Rake? Eh kayo nga itong close na close eh." Ano nga bang nangyari sa amin ng kumag na pocketbook na iyon? Ang alam ko lang kagabi 9:00, sumakit ang ulo ko. Parang may kung anu-anong kumikirot sa utak ko at pagkagising ko kaninang umaga, naiinis na ko sa kaniya. Pero parang may nakakalimutan akong detalye.
Ah, right. The potion.
"Sabihin na lang natin na nagising na ako sa katotohanan." I say.
"Huh? Di ko gets."
"Ganito yun. May ginawa ako na akala ko pagsisisihan ko pero laking pasasalamat ko na dahil dito," Tumingin ako kay Rake na nakikipag-usap na ngayon kay Aleah. "Narealize ko na, wala pala akong taste."
"Basta kung awayin ka ulit nitong si Rake, kakampi mo ko." Napangiti naman ako sa sinabi ni Barbie. Magkakasundo pala kami ng Barbie doll na to. Maganda na, mabait pa.
"Guys! In just 4 minutes, Sir will be here. Get ready!" Sigaw ni Aleah sa mga kagrupo niya dahil sila ang magrereport ngayon. Tinignan ko yung watch ko para icheck kung tama ang pinagmamalaking talent ng babaeng ito. Saktong 4 minutes..
"Good morning class!" bati ni Sir. At ayaw ko mang aminin, tama ang sinabi ni Aleah. Baka tsamba.
"So let's start the reporting. Go ahead."
At nagreport sila. Their topic is about love!? Psh. Napaghahalata ang mga malalanjut. After nilang magreport ng boring na topic nila, it's time for us para magtanong.
"Any question?" tanong nung isa sa mga members.
I raise my hand at nagtanong.
"This question is for you, Aleah. Give me a scientific explanation kung bakit ang raming mga taong nagiging martyr at sunud sunuran sa pag-ibig. Na pag nainlove ka, hindi ka na makakapag-isip ng matino. Bakit kahit mismo mga matatalinong tao, eh nagiging blank pagdating sa pag-ibig. Alam mo naman na siguro kung ano yung blank, ayokong magmura eh."
I smile mentally. Hindi siya makasagot at parang maiiyak na yata. I hate Aleah ever since pero nagatungan pa nung naging close sila ni Rake. It means kung mapapahiya ko si Aleah, maaapektuhan din si Rake. Brilliant!
Urgh! Ano ba tong iniisip ko? Epekto pa rin ba to ng potion? For goodness sake, it's just a drop! Just a drop! Pero parang ni konting sympathy kay Rake wala kong maramdaman. Pure hate.
Kitang kita ko si Aleah na pawis na pawis na siya at talagang napahiya. Pero laking gulat ko nung nagtaas ng kamay si Rake.
BINABASA MO ANG
Past Life
Science FictionA STORY YOU'VE NEVER READ BEFORE. My brother is busy shaving spikes in his skin. One of the perks of being a cactus in your past life. Lee can extract venom into one's body One of the perks of being a snake in your past life. Angela turns...