Nahuli ako ni Rake at napahiga na naman ako. Agad akong nakatayo pero agad pumulupot ang mga palad niya sa leeg ko.
"Rake.. please. I will.. not hurt you. Hinding hindi..ko gagawin..yun. You told me.. I cannot.. push you.. away. I will.. not push you.. away anymore. Just come back. Come back to me." Mashumigpit lang yung sakal niya sa akin. Parang wala siyang narinig. Wala siyang nadama. Masmaganda sana kung alam kong galit siya sa akin. Pero hindi eh, blanko ang mga mata niya. Walang kaemo-emosyon.
Kung totoo ang sinabi ni Lee, kung potion nga ang may kagagawan nito..
Yung antidote!
"Mommy! Ihagis mo yung tumbler na Hello Kitty! Nasa bag!" Pinilit kong sumigaw kahit hindi na ako masyadong makahinga. Nagtataka man si Mommy, kinuha niya yung Hello Kitty tumbler sa bag at hinagis sa direksyon ko. Sinapo ko ito pero nadulas ito sa kamay ko at tumama sa ulo ni Rake. Agad na natumba si Rake dahil sa lakas ng impact. Alam kong madali siyang mawalan ng malay kapag natamaan na ang ulo niya.
Great. Beyond all the snakes and terrifying creatures around us, I will lose the love of my life because of a Hello Kitty Tumbler. Cool. So dramatic.
"Rake.. Rake.." Niyugyug ko siya pero iniinda niya pa rin ang sakit. Agad-agad kong kinuha yung tumbler at pinainom sa kaniya yung antidote. Buti na lang nilagyan ito ni Mommy ng antidote kanina. Nakapikit pa rin siya. Kinakabahan na ako at naninigas.
"Rake please. Wake up."
Unti-unti niyang minulat yung mga mata niya at tumingin sa akin.
There, I saw it again. His eyes are full of emotion. I could stare at those eyes forever.
"Cyker.."
"Rake." Agad ko siyang niyakap. Finally, he's back. My Pocketbook is back. Babalik na rin sa normal ang lahat.
"Sorry for hurting you, Cyker. Promise I don't mean it." Naluluha na siya habang sinasabi yun. Hindi ko pa siya nakitang ganito kahelpless dati. "I'm sorry I'm sorry I'm sorry I'm—"
"Sshh.. wala kang kasalanan. Halika bubuhatin na kita."
"No. Iwan mo na ako dito." Tila ba nabingi ang mga tainga ko sa sinabi niya.
"Rake, ano ba sa tingin mo ang iniisip mo?! Hindi nakakatuwa yang biro mo."
"Hindi na rin ako magtatagal. Nanghihina na ang buong sistema ko. Hindi na kayang gumalaw ng katawan ko."
"Rake ano ba—"
"Find another love when I'm gone." Natigilan ako sa paghinga sa sinasabi niya.
"Rake, stop the drama. Lalabas tayong magkasama sa lugar na to." He caressed my cheeks using his soft hand. I was shocked to see tears flowing on his cheeks.
"Someday someone will look at you like he looks the stars in a dark sky. Someday someone will look at you as if you're the only person existing. Someday someone will look at you like you're the only one who can turn his world upside down."
I fix my stare on him. And there, I saw a pair of eyes looking at me, as if I'm a star in a dark sky, like I'm the only person existing, like I can turn his world upside down.
"You are that someone, Rake." Naramdaman kong unti-unting nalaglag ang mga kamay niya sa gilid ko at pumikit na ang mga matang nakakapagpatunaw sa akin.
"Wake up! Rake! Wake up! Naririnig mo ba ko!? I said, wake up!" Hinahampas ko siya, baka sakaling umidlip lang at magising din.
"Cyker, he's just tired. He needs some rest. Ako na ang bahala sa kaniya." Binuhat ni Atum ang walang malay na si Rake. Ayoko pa sana siyang bitawan, pero kailangan.
BINABASA MO ANG
Past Life
Science FictionA STORY YOU'VE NEVER READ BEFORE. My brother is busy shaving spikes in his skin. One of the perks of being a cactus in your past life. Lee can extract venom into one's body One of the perks of being a snake in your past life. Angela turns...