"Nasaan si Rake? Bakit nasa sa'yo ang phone niya?"
"Bumisita siya kanina sa bahay. Naiwan niya yung CP niya. Bakit parang nanginginig ka? OK ka lang ba?" Should I ask help from this girl? Wala na akong time magpakipot. Alam kong naghahanap lang ng tyempo kung sino man ang nasa loob ng sasakyan na yun para pabagsakin ako.
"A car is following me. Hindi ko alam kung paano ako makakatakas. Aleah, I need help." Ilang segundo siyang natahimik.
"I know a place. Alam mo ba yung abandunadong eskwelahan sa gitna ng Torniquo? Yung parang haunted school? Yung dating spell academy? Yung Fier School."
"Yung nababalitang pagpumasok ka daw doon hindi ka na makakabalik? Yung may naririnig daw sila doong umiiyak na bata?" Mukhang alam ko na ang ipapagawa niya at hindi ko ito nagugustuhan.
"Oo. Pumasok ka sa gate nun at ipark mo ang sasakyan mo sa likod ng creepy school na yun. I'm 100% na hindi ka na susundan ng kotse na yun." Hinihintay ko na tatawa siya sa sinasabi niya pero mukhang seryoso nga siya. And goodness, I will never go to that creepy place.
"Trust me." Sabi niya pa.
"Nung huli kitang pinagkatiwalaan, binuko mo lang ako kay Rake. Now tell me, why will I trust you?"
"Because you don't have a choice." Tama siya. Kahit hindi ko alam kung tama ang gagawin ko, tinahak ko ang daan papunta sa abandunadong eskwelahan. Sumusunod pa rin sa akin yung itim na kotse. Hinawakan ko ng mahigpit ang manubela at nagpatakbo ng mabilis papasok sa compound ng eskwelahan. Wala ng atrasan to. Napatingin ako sa eskwelahan: Basag na yung mga salamin ng mga binatana. Nangalawang na yung mga swings at slides sa playground. Nagsisilaglagan na yung mga letters ng FIER SCHOOL sa taas kaya it spells like F_ _ _ _ _ _ OOL. Puro paniki lang ang nakatira dito. Pinark ko yung kotse ko sa likod ng paaralan katulad ng sinabi ni Aleah.
"Aleah, nandito na ko. Natatakot na ko."
"Wag mong ilock yung pinto ng kotse mo." Bigla akong nakaramdam ng kaba sa pinapagawa niya. Hindi ko talaga alam kung kailangan ko siyang pagkatiwalaan.
"Pero masdelikado yun."
"Gawin mo na lang." Kaya sinunod ko siya. Ilang minuto pa ang nakakalipas wala naman nangyari. Pero wala na rin yung sumusunod na kotse sa'kin kanina. Sino nga namang matinong tao ang pupunta sa lugar na to? Nakakarinig na ko ng mga sigaw na nanggagaling sa abandunadong paaralan. Walang nakakaalam kung ano yung nasa loob niyan dahil lahat ng pumapasok sa building na yan, hindi na nakakalabas. A little part of my brain is praising Aleah for this wise idea.
"Walang kikilos."
Nanginig ako ng marinig ang boses na yun sa gilid ko.
Nakabukas na ang pinto ng kotse ko at nakatayo dun si .. Aleah. "Give me the key. Umalis na tayo dito Cyker."
Pinalipat niya ko sa shotgun seat at siya ang nagdrive. Hindi ako namatay kanina pero papatayin niya ko sa pagpapatakbo niya. Hindi yata siya natatakot makabangga, ang bilis.
"Salamat." Yun lang ang nasabi ko sa kanya ng makarating kami sa bahay ko. "Bakit ka nga pala nandun Aleah?"
"Isn't obvious? I came for you. Kaya sa susunod mag-ingat ka. Don't be so careless. Ang rami mong naiistorbo."
"I'm sorry. What do you want me to do para makabawi ako?" Tinitigan niya lang ako na parang nag-iisip.
"Para makabawi ka? Forget about this saving-your-life thing and act as if this never happens." Binato niya sa'kin yung susi ng kotse ko at naglakad na paalis.
BINABASA MO ANG
Past Life
Science FictionA STORY YOU'VE NEVER READ BEFORE. My brother is busy shaving spikes in his skin. One of the perks of being a cactus in your past life. Lee can extract venom into one's body One of the perks of being a snake in your past life. Angela turns...