"We are here to help you Ate."
"No! This is dangerous at hindi ako papayag na madamay kayo dito."
"Kung uuwi kami, sasama ka sa'min." Pagbabanta ni Mom.
"Mom?!"
"Cyker, look. We are family. Kung ayaw mo kaming mapahamak, ayaw ka rin naming mapahamak. We'll protect you. We will all stay or we will all go home. Choose." Wala akong nagawa kung hindi ang tumango. Sisisihin ko ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanila. Sabay sabay kaming naglakad papasok sa gubat. Nakakabingi yung katahimikan. Yung mga tuyong dahon lang na naapakan namin yung nag-iingay pati huni ng mga ibon. Ang dilim ng paligid mabuti na lang at kasama namin si Mommy kaya may liwanag kami. Puno ng mga puno at masyadong masukal ang lugar. Lee could be hiding back there, just out of sight.
Lahat kami may earpiece. Si Angela nasa isang tower sa zoo, siya yung watcher namin.
(Guys, nakita ko na si Rake.) Nagsitayuan ang mga balahibo ko nung sinabi yun ni Angela sa earpiece. Nandito siya. Makikita ko na ulit siya. Makakasama ko na ulit siya.
"Where is he? Tell me where is he!?"
(Nasa kaliwa siya. Yung malapit sa bridge. Nakatali sa puno ng Narra.) Agad agad akong tumakbo sa direksyon na yun. Sinisigawan ako ng mga kasama ko dapat sama-sama kaming pumunta dun dahil yun yung napagkasunduan pero hindi ko na kayang maghintay. I don't care about the rules. I am willing to break them for him.
Napahinto ako nung nakita ko na siya. Nanlalambot akong lumapit sa kaniya. Inalis ko yung gapos niya habang namumuo yung luha sa mga mata ko.
(Cyker, come back here.)
(Where are you? Nakita mo na ba si Rake?)
(Cyker, magreply ka please.)
(Anak, okay ka lang ba?)Sunod-sunod na tanong nila sa earpiece pero hindi ko nagawang sumagot. Nakatingin lang ako sa mga mata niyang nakatingin din sa akin.
"Cyker, you came."
"I came for you, damsel in distress." Natawa siya sa sinabi ko.
"Thank you, prince charming." He pulled me in a hug. Ang dilim na ng paligid, pero nagliwanag dahil sa yakap niya. This scene is so bizarre. We're alone hugging each other in the middle of a forest, waiting for the danger.
"Sabi ni Lee, hindi mo raw ako ililigtas. Pero hindi ako naniwala sa kaniya. Sabi ko pupunta ka. Hindi mo ko binigo, pumunta ka nga." Biglang umakyat ang takot sa dibdib ko. Ibang iba yung sinabi niya sa'kin ngayon sa ipinakita sa'kin ng pelikula. Sa pelikula, ayaw niya akong papuntahin dito dahil mapapahamak ako. Diniin niya pa yung yakap, pero ang gaspang ng mga kamay niya. They are not the same soft hands who pulled me away from the crimes. Humiwalay ako ng yakap sa kaniya. Tinignan ko yung braso niya kung saan pinalo ni Lee si Rake ng tabla. Wala man lang bakas ng sugat.
"Hindi ikaw si Rake." Madiin kong akusa sa kaniya. Lumipat ako ng tingin sa leeg niya. Walang bakas ng pangil doon.
"Ano ka ba Cyker, ako to si Rake. Paano mo nga pala ako nahanap?" Umatras ako ng hakbang. Huminga ako ng malalim.
"Binigay sa'kin ng mga magulang mo yung address."
"Ah. Uwi na tayo, magpapasalamat ako sa kanila." Nanginig ako sa sinabi niya. Patay na ang mga magulang ni Rake at imposibleng makalimutan niya yun.
"Hindi ikaw si Rake. Nasaan siya? Ilabas mo siya." Sinuntok ko yung dibdib niya. Sigurado na ko, hindi siya si Rake.
"Impressive, Cyker." Ngumisi lang siya sa akin. Kasabay nun ang pagsulpot ng mga kasama ko sa likuran ko.
BINABASA MO ANG
Past Life
Science FictionA STORY YOU'VE NEVER READ BEFORE. My brother is busy shaving spikes in his skin. One of the perks of being a cactus in your past life. Lee can extract venom into one's body One of the perks of being a snake in your past life. Angela turns...