Nakahiga ako sa kama ko at nakatunganga sa butiki sa kisame.
He kissed me.
And I let him kiss me.
Kill me now!
Tumingin ako sa orasan. 1:29am.
I've been trying to sleep for hours but my mind was still on that road. Beside my car. With him.
I've been stuck on that scene no matter how hard I try to escape.And I only knew one solution that can make my brain forget all these stuffs and relax. Bumangon ako sa kama ko at lumipat sa kwarto ni Terrence. Humiga ako sa kama niya.
"Can't sleep?" Tanong niya sa'kin na halatang inaantok pa siya sa boses niya.
"Oo eh." At akmang lalapit na sana siya sa'kin para yumakap pero pinigilan ko siya.
"Nagshave na ko ng mga tinik ko wag kang mag-alala." Napangiti ako at binigay ko sa kanya yung braso ko para gawin niyang unan.
"Bukas na pala yung eleksyon ate. Tingin mo mananalo si Dad?"
"Oo naman. Siya pa. Paniguradong hindi na yun makatulog ngayong gabi. Hayyyy.. Patulugin mo nga ako Terrence. Gusto ko na talagang matulog."
He started singing my favorite lullaby which he always does when I can't sleep. And unconsciously, I drift to sleep.
~~
Bumangon kami ng maaga para magbreakfast. Pinagpapawisan si Dad, halatang kinakabahan.
"Dad, relax. You'll win!" Pagcheer up sa kaniya ni Mom.
"Kaya nga Dad. Look, mag-oorder na ko ng cake at pizza para mamaya! Makapagcelebrate na agad tayo pag-inanounce na yung winners!" tapos dinial ko na yung restaurant. "Hello Sir oorder po kami ng tatlong pizza at isang chocolate cake. Pakilagay po sa cake, Congrats Mayor! Opo. Yes. Thank you. Sa Westhorn Village. 225. Thanks."
"Ang over confident niyo ah!" Sabay tawa sa amin ni Dad.
"We believe in you that much, Dad."
~~
Pagkatapos naming bumoto ni Angela, dumiretso kami sa moviehouse. Mga hapon na rin kaming nakapanood, ang haba kasi ng pila sa botohan kanina.
"Ang tagal naman magstart, nagugutom na ko." Hindi na kayo magtataka kung sino ang nagsabi nyan.
"Kakakain lang natin kanina, nagugutom ka na naman. Akala ko ba diet ka hah?!"
"Ayoko na. Suko na ko. Next time na lang ako magdadiet, promise totoo na yung next time."
"Eh last time ganyan din ang sinabi mo sa'kin eh."
"Ui, nakita mo na ba yung symbol ng past life mo? Meron pala tayong ganun. Kanina ko lang nakita ang cute."
"Huh? Anong symbol?"
"It can be seen on the small of your back. Look at this." Tapos tinaas niya konti yung shirt niya sa likod. Buti na lang nasa pinakadulo kami ng sinehan, walang masyadong tao. May nakita akong maliit na oblong sa likod niya. Sa loob ng oblong, may dalawang maliit na bilog. Itim ang kulay. Tapos narealize ko na ilong pala yun ng baboy.
BINABASA MO ANG
Past Life
Science FictionA STORY YOU'VE NEVER READ BEFORE. My brother is busy shaving spikes in his skin. One of the perks of being a cactus in your past life. Lee can extract venom into one's body One of the perks of being a snake in your past life. Angela turns...