Chapter 44-Assault

305 20 1
                                    


"Paanong..." Hindi ko matuloy ang sasabihin ko. Hindi ako makapaniwala sa tatlong taong nasa harapan ko. Buhay sila. Hindi sila pinatay ni Lee. Walang bangkay na natatagpuan sa bawat krimen dahil sinusunog ni Lee ang lugar. Akala ko naging abo na sila. Ibig sabihin, hindi niya pinapatay ang mga ito? Pero bakit? Para maging kampon niya? Hindi ko maintindihan.

Tulala kaming lahat hanggang sa umatake na sa amin yung tatlo. Inatake nung babaeng palaka si Terrence. Pinapaulanan ni Terrence ng tinik yung babae pero nakakailag siya. Pilit ding inaatake ng palakang babae si Terrence gamit yung humahaba niyang dila. Yung batang lalaki naman si Atum ang humarap. Hindi pa 13 years old yung bata kaya panigurado kong hindi pa gumagana ang mga abilidad niya na galing sa past life niya. Nanlamig ang mga buto ko nung tinapunan ng mga apoy ni Firey si Victor na agad din namang tinapunan ng mga fireballs si Firey. Nakikita ko yung unti-unting pagkatunaw ng siko ni Victor. Buti na lang at tinulungan siya agad ni Mommy at kinalaban nilang dalawa si Firey. Two against one. Obviously, Mom and Victor are winning. Kitang kita ko yung pamamawis ni Firey at halatang pagod na pagod na siya. Pero hindi pa rin nawala yung blanko niyang pagtitig. Malapit nang bumigay si Firey nang biglang may tubig na tumupok sa mga apoy ni Mom at Victor.

"TERY! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo!?" Galit kong sigaw kay Tery na ngayon ay pumunta na sa tabi ni Firey.

"Walang pwedeng manakit kay Firey, Cyker. Walang pwedeng manakit."

"Tery ano ba!? Kontrolado siya ni Lee! Hindi siya si Firey!"

"Kahit kontrolado siya ni Lee, siya pa rin si Firey."

Muling binato ng apoy ni Firey si Victor at si Mom pero sinangga nila ang mga tira na iyon ng apoy din. Halatang pagod na pagod na silang dalawa pero muli, bumuhos ang tubig ni Tery para tupukin ang apoy ni Mom at Victor na naging dahilan para tumilapon sila sa mga puno.

"Tery ano ba!?" Pero hindi nakinig sa akin si Tery. Kinuha ko ang kutsilyo ko at inatake si Firey na nagawa kong daplisan sa balikat. Nagalit si Tery sa ginawa ko at agad akong sinuntok sa mukha. Nagkasundo kami na tutulungan ang isa't isa pero ano tong ginagawa ni Tery!? Wala rin siyang pinagkaiba kay Lee at Filip. Pare-parehas lang silang mga traydor. Magkakaiba man ang mga rason nila, traydor pa rin sila. Walang magbabago doon.

Tumayo na si Victor at si Mommy sa pagkakalupasay nila sa lupa at hinahanda na nila yung apoy nila, humarap ako kay Tery. Siya ang dapat kong kalabanin ngayon.

"Hindi mo ko mapipigilan Cyker." Pagbabanta niya na parang nabasa ang inisiip ko.

"Sinaktan mo ang Mommy ko. Magbabayad ka."

"Sinaktan nila si Firey, magbabayad sila." Agad kong kinuha yung baril ko at pinaputukan siya pero agad siyang nakailag. Nilundag niya ako at napahiga ako sa lupa at mga tuyong dahon. Pumaibabaw siya sa akin at pilit na kinukuha yung baril.

"Ang kitid ng utak mo Tery. Tinutulungan mo si Firey? Hindi mo ba naiisip na sa ginagawa mo, tinutulungan mo rin si Lee." Nagawa kong sikmuraan siya kaya nawala siya sa ibabaw ko at napatayo ako. Pinaputukan ko siya sa binti para hindi na siya makalakad pero nailagan niya pa rin yun at kumapit na naman siya sa kamay ko para agawin ang baril.

"Paano kung si Rake ang nasa kalagayan ni Firey? Hindi mo ba gagawin ang ginawa ko, Cyker? Proprotektahan mo rin siya diba?" Natigilan ako sa sinabi niya. Ayokong aminin sa sarili ko na naiintindihan ko siya. Ayokong aminin sa sarili ko na tama siya.

Dahil sa pag-iisip ko ay naagaw ni Tery yung baril sa akin at tinutukan niya ako.

"Nakuha ko na ang punto mo, Tery. Pero hindi natin kailangang mag-away."

"Sasaktan niyo si Firey." He clenched his jaw.

"Dahil sinugod niya tayo kaya namin yun nagawa. We will not kill her. Pero kailangan mawala yung consciousness niya or at least maitali natin siya para hindi niya na tayo masugod. Look, tayo dapat ang nagtutulungan ngayon. Hindi tayo pa yung nag-aaway. We're running out of time. Si Lee ang kalaban natin dito." Humugot siya ng malalim na hininga at ibinaba niya na yung baril. Nakahinga ako ng maluwag.

Biglang bumagsak sa harapan namin ang walang malay na si Firey. Napatingin ako sa direksyon na pinanggalingan niya, halatang pagod na pagod na si Mommy at pilit pinupulot ni Victor yung mga nalusaw na parte niya.

"Why did you hurt her!? What have you done!?" Sigaw ni Tery at akmang sasabuyan na ng tubig ang dalawa pero pinigilan ko siya.

"They did the right thing. Prinotektahan lang nila tayo." Umangat ang tingin sa'kin ni Tery at unti-unting nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Galit na galit siya pero alam kong pinipigilan niya at iniintindi niya ang sitwasyon.

"Sige, ilalayo ko lang si Firey dito. Ipupunta ko siya sa masligtas na lugar." Binuhat niya ang walang malay na si Firey hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. Naiintindihan ko siya sa ginawa niya. Mahal niya si Firey. Minsan nang nawala si Firey sa kaniya, ngayon na nagkita ulit sila, alam kong hindi niya na kakayanin kung mawala ulit ang babae sa kaniya. Parang kailan lang ng tanungin sila ni Mr. Antonio sa klase kung sila ba, ngayon natagpuan ulit nila ang isa't isa.

Nakakainggit.

Nakita ko na halos walang malay na rin yung batang lalaki at yung babaeng palaka. Tapos na rin sa pagpatay ng mga ahas si Fivo at Aleah. Binuhat na ni Atum yung lalaking bata na wala na ring malay. Ganun din ang ginawa ni Fivo sa babaeng palaka. Tinabi nila ang mga iyon sa gilid at tinali para siguradong hindi muna sila makakatakas. Pagod na pagod kaming lahat. Tumatagaktak ang pawis namin kahit ang lamig lamig ng gabi. Binabantayan ni Atum at Victor yung dalawang biktima na kinalaban namin. Halatang hindi na kayang magfunction nina Mom at Victor. Nakita kong may mga maliliit pa silang paso. Si Terrence naman halos hindi niya na mailabas yung mga tinik niya. Pagod na pagod na rin si Atum, Fivo at Aleah. Sa aming lahat, ako ang pinakahindi napagod dahil si Tery lang ang hinarap ko. Pinuntahan ko ang ading ko na nakasandal sa isang puno.

"Baby bro, kaya pa?" Pilit niyang inangat ang tingin niya sa'kin. Kahit pag-angat lang ng tingin ay hirap na hirap na siya.

"Pagod na ko, ate." Hinaplos ko yung mga pisngi niya at nilaro yung buhok niya.

"Tulog ka na. Pagkagising mo, nasa bahay na ulit tayo at maglalaro tayo ng paborito mong video game." Tumango siya sa akin at pinikit niya na yung mga mata niya. My brother is too young to experience such sorrow. Yet he chooses to experience it for me. For me.

"Cyker itatabi ko na si Terrence sa amin ni Victor. Babantayan na rin namin siya habang binabantayan namin yung mga biktima." Binuhat na rin ni Atum si Terrence at tinabi sa kanila ni Victor.

Naupo ako sa tabi ni Mommy. Lahat kami pagod na pagod na. Pero wala pa ring Rake na nagpapakita. Ang tanong, may Rake ba talaga kaming hinihintay? O nagpapagod lang kami sa wala?

"I'm sorry Mom, I brought you into this." Tsaka ko hinilig ang ulo ko sa balikat ni Mommy.

"I don't regret anything Cyker. Since the day you were born, I told myself I will protect you. No matter what happens." Hindi ko na napigilan yung pagtulo ng luha ko.

"Thanks, Mom."

"Maybe after this, you can already talk to me like we're friends. Without being awkward." Natawa ako sa sinabi ni Mom. Hindi pa rin nawawala yun sa isip niya.

"Sure, Mom. Pagnakabalik na tayo ng maayos." Tumahimik kaming lahat saglit at nag-iipon ng lakas hanggang sa lumamig ang simoy ng hangin. Parang may kung anong tensyon ang papalapit sa amin.

(Guys. May nakikita akong paparating sa inyo. Kung hindi ako nagkakamali, si Lee iyon. May kasama siyang lalaki, pero sandali.. hindi ako sigurado kung si Rake ba yun.)

I swear all the hair in my body shivers.

Past LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon