Nandito ako sa kwarto ko habang nagpapack ng mga gamit ko. My decision is final. Susundan ko si Rake sa abundanadong paaralan na yun. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga napanood ko sa Amy's Story kanina.
Angela and Victor will be seeing each other again. I love my bestfriend at gusto kong maging masaya siya pero ayoko si Victor para sa kaniya.
At nalaman ko na rin ang dahilan kung bakit wala ng nakakalabas sa abundanadong paaralan na yun. Why did I forget? It was a spell academy before. Full of magic and mysteries. Hindi ko akalain na ganun pala. It is much worse than I expected.
Nag-impake ako ng mga pagkain at inumin. Hindi na ako nag-impake ng mga damit, bahala na si Pocketbook kahit tatlong araw na siyang hindi naliligo. Hindi ko alam kung makakalabas pa ba ako sa lugar na yun o kung gaano ako katagal na matratrap doon.
Nilagay ko na yung bag ko sa kotse at nagpaalam kina Mom. Nakonsensya ako kaya nagbaon na rin ako ng mga damit.
"Mom, may youth camp po kami. Matatagalan ang pagbalik ko." Naramdaman ko na namamawis yung kamay ko. Laging nangyayari to pagnagsisinungaling ako.
Hindi ako mapakali na pupunta ako dun na hindi kami nagkakaayos ni Angela, kaya nagsend na lang ako ng message sa kaniya.
Walang pang 5 seconds, nagreply na agad siya. Ang bilis naman yata. I opened the message just to find out that it is from an unknown number. Nanginig ang buong katawan ko sa nabasa ko.
I cannot leave Angela behind. But I cannot also abandon Rake.
Kailangan mong pumili Cyker. Choose fast!
But no. I can't choose between the two of them. Never. Kinalkal ko yung phonebook ko and call the person I least expected I can trust.
"Hello Cyker. Napatawag ka."
"Aleah, I need your help.. again. I'm sorry for the inconvenience pero ikaw lang ang naiisip kong pwede kong lapitan."
"Get straight to the point. What do you want?"
"I need you to watch an eye for Angela habang nasa.. ahm youth camp ako. May unknown number na nagtext sa'kin na.. may masamang mangyayari sa kaniya. Tell the police. Give her a security guard. I don't know. I just want her to be safe. I don't want to lose her." Natahimik sa kabilang linya. Akala ko binabaan niya na ko pero nagsalita siya ulit.
BINABASA MO ANG
Past Life
Научная фантастикаA STORY YOU'VE NEVER READ BEFORE. My brother is busy shaving spikes in his skin. One of the perks of being a cactus in your past life. Lee can extract venom into one's body One of the perks of being a snake in your past life. Angela turns...