Chapter 45-Snake

340 24 1
                                    


The link of the story that I used about the owner of a snake and a vet. It's not mine. ->   (http://metro.co.uk2015/12/02/this-story-about-a-snake-wanting-to-eat-their-owner-will-really-make-you-think-about-your-friendships-5538469/#ixzz465f345CV)

~~~~~

Napatayo ako sa sinabi ni Angela. Lahat kami tumahimik, nag-aabang. Maslalo pang lumamig yung hangin. May kung ano sa aura niya na alam mong wala siyang idudulot na mabuti.

"Oh, you invite more playmates in our game." Tumindig ang balahibo ko sa boses niya na nasa likuran naming lahat. Lumingon kami at nandoon nga siya. Ang tusong ahas.

Halos hindi na makatayo yung mga kasama ko kaya ako na lang ang tumayo para harapin si Lee.

"Cyker, delikado." Hinawakan ni Mommy yung kamay ko pero hinawi ko. Ako naman talaga ang puntirya niya. Edi ako ang harapin niya.

"Whoah! Wait ako ang haharapin mo? Bakit hindi nalang siya?" Napunta ang paningin ko sa lalaki na kakarating lang sa likuran niya. Nanlamig ang buong katawan ko. May dumaloy na kuryente mula sa aking ulo hanggang sa dulo ng aking mga daliri. He is still the same. His pointed nose, his messy hair, his broad shoulders.. but my favorite thing about him changed. His eyes.

His eyes that were once full of emotion were now cold, emotionless, empty, blank.

"Patayin mo si Cyker, Rake." Utos sa kaniya ni Lee. Agad namang sinugod ni Aleah si Lee pero napako ang tingin ko kay Rake. Nanlalambot kong tinakbo ang distanya naming dalawa at niyakap siya.

"You're alive. You're alive, Rake." Hinigpit ko pa yung yakap ko sa kaniya at wala akong pakialam kung hindi niya ko niyayakap pabalik.

"Papatayin ko si Cyker." Bulong niya sa tainga ko na walang emosyon, na parang wala siya sa sarili.

The next thing I knew, sinasakal niya na ako. Blanko ang mga mata niya na ginagawa yun. Nahihirapan na akong huminga.

"Rake, ako to si Cyker. Wake up!" Sinipa ko yung tuhod niya, dahil alam kong kahinaan niya yun at nakawala ako sa sakal niya. Sobra akong naghahabol ng hininga ngayon.

"Rake makinig ka sa akin. Wag kang maniwala kay Lee—" Bigla niya akong sinuntok pero nakailag ako. Sa peripheral vision ko, nilalaban ni Fivo at Aleah si Lee. Hindi sila ganun kalakas, pero nacacalculate ni Fivo ang bawat anggulo ng pagtira ni Lee. At alam naman ni Aleah kung anong oras titira si Lee. Nakaupo si Mom sa tabi ng puno at hinang hina na. Ginagamot nina Atum at Victor yung dalawang biktima at si Terrence.

"Rake please. Listen to me. Kinkontrol ka lang ni Lee. Rake!" Agad niya akong tinulak dahilan para mapahiga ako sa lupa. Dinaganan niya ako at sinakal ulit. Blanko pa rin yung mga mata niya. Pinilit kong magsalita kahit hirap na hirap na ako.

"Rake.. Hindi mo.. ba naaalala? Natrap..tayo sa .. abandunadong paaralan. Sinundan kita doon.. At sabay.. tayong nakalabas. Sinundan din kita.. ngayon Rake. At sinisugurado ko.. sa'yo.. parehas din tayong makakalabas." Pero wala pa ring nangyari. Blanko pa rin ang mga mata niya. Hindi na ako makahinga. Wala na akong lakas. Hindi ko magalaw yung katawan ko. Air! I need air! Hinahabol ko yung hangin pero ang higpit ng kapit niya. Air! Walang pumapasok na hangin, Hindi na ko makahinga.

"Rake.." Nagmamakaawa na ko. Hangin. Kailangan ko ng hangin. Unti-unti nang nagdidilim ang paningin ko.

Pero biglang tinulak ni Fivo si Rake sa ibabaw ko. Gumaan ang pakiramdam ko at nawala na ang mga kamay na sumasakal sa akin kanina. Huminga ako na parang ngayon palang nakalanghap ng hangin. Hinahabol ko ang paghinga ko. Napatingin ako sa direksyon nina Fivo at Rake. Halos magkasing lakas lang sila at nagsusuntukan na silang dalawa. Kahit medyo nahihilo ako ay pinilit ko pa rin silang awatin.

Past LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon