"Jennifer, I'm breaking up with you." The boy said to the girl.
"Bakit? Masaya naman tayo? Please. Wag mo kong iwan."
"Jennifer, nasasakal na ko. Lahat naman ginawa ko para sa'yo. Pero bakit parang hindi pa rin sapat? Bakit parang kulang pa rin?"
"Josh, hindi yan totoo. Mahal kita."
"Kung mahal mo ko, bakit hindi mo ako pinaglaban. Itigil na natin ito Jennifer."
"Pero Josh—"
"I love you. Goodbye."
"CUT!" Sigaw ko at agad silang lumapit na dalawa sa akin.
"Ayos ba ang acting namin?" Tanong sa'kin nung kaklase ko pagkalapit niya.
"Ayos." Nagpack up na kami. Nag-aaral na ako sa isang film school ngayon at gumagawa kami ng project namin dito sa bahay. Nang makauwi na sila, umupo ako sa upuan dahil pagod na pagod ako. I'm wearing my camo shirt and black jeans right now. Pinapanood ko lang si Anton sa labas ng window na nagbabasketball. Then suddenly, someone slaps my arms.
"Ouch Terrence! Your spikes! They hurt!"
"Haha! Nakatulala ka kasi kay Kuya Anton eh. Crush mo na naman." Di ko na lang siya pinansin, Anton is the neighborhood's new bad boy. Lumabas ako ng bahay to have a clearer view of him. He has this strong aura and a handsome face that make girls drool over him.
But then someone walks in front of me blocking the view of Anton. I can't help but stare at the man.
"What are you staring at?" He asks.
"Anton."
"What!?!" Napangiti ako sa naging reaksyon niya. I never imagined Pocketbook is a jealous-type."I'm staring at Anton."
"Why?" Sumeryoso yung mukha niya.
"Crush ko siya. Bakit ba?" Pinipigilan kong ngumiti. Pikon kasi siya.
"Siya na lang ang boyfriend mo, gusto mo?" Seryoso niyang tanong sa'kin at natawa naman ako. Lumapit ako sa kaniya habang siya ay umaatras. I caught a fistful of his shirt and pulled him closer to me tsaka ako bumulong sa tainga niya.
"He's my crush but you're the love of my life."
"Ano? Ulitin mo nga. Hindi ko narinig." Pero hinarap niya ako na nakangiti na.
"Wala. Ano? Tara? Ready ka na?"
"I should be the one to ask you that. Ready ka na?" Hindi ako umimik pero tumango ako. Sumakay ako sa kotse ni Pocketbook. He's also wearing his camo shirt and black jeans. Ngayon ko lang napansin.
"Nice outfit." Bulong ko sa tainga niya at ngumiti lang siya. Who says couple shirts are corny?
Pinark niya ang kotse sa harap ng mental hospital.
"Kaya mo yan." Pinisil niya yung braso ko. Huminga ako nang malalim at pumasok sa loob. Hindi niya ako sinamahan dahil yun yung hiling ko. May sinabi ako dun sa nurse at pinapasok ako sa isang room.
"Dad." Tawag ko sa kaniya pero parang wala siyang narinig. Patuloy niya lang nilalaro yung tatlong manika sa harap ng lamesa. Umupo ako sa upuan na katapat niya. May lamesa sa pagitan naming dalawa.
"Dad." Tawag ko ulit sa kaniya pero ang atensyon niya ay nasa isang manika at kinakausap ito.
"Sweetie.." Tawag niya dun sa manika. Naluha ako nang sabihin niya ang endearment na yun, pero yung manika yung kinakausap niya. "Alam mo bang ikaw ang prinsesa ni Daddy? Naalala mo ba nung bata ka? Ayaw mo ng pangalan mong Cyker." Naaalala ko yun Dad. "Pinangalan kitang Cyker cause I want you to be a Legacy Maker. Tapos.."
BINABASA MO ANG
Past Life
Science FictionA STORY YOU'VE NEVER READ BEFORE. My brother is busy shaving spikes in his skin. One of the perks of being a cactus in your past life. Lee can extract venom into one's body One of the perks of being a snake in your past life. Angela turns...