"Good evening Rake! Good evening Cyker!" Bati sa amin nung matandang babae. Paano niya nalaman yung mga pangalan namin?
"Hindi pa po namin iniintroduce yung names namin paano niyo kami nakilala?" Tanong ko.
"Ah eh na-narinig kong nag-uusap kayo ka-kanina." Nauutal yung matanda. Napatingin na naman ako sa mga paintings at parang nakita ko na gumalaw yung matandang lalaki sa painting. Sinabi ko ulit to kay Rake pero sinisigawan niya lang ako.
"Wag mo nga akong istorbohin Cyker!"
May kakaiba sa mga paintings. Lahat sila parang may yellow light na background. Hindi na maganda ang pakiramdam ko.
"Nasa taas ang room niyo. Ang unang kwarto sa itaas." Hinila ako ni Rake papunta sa taas pero pinigilan ko sya. Sa dulo ng hagdanan ay may dilaw na ilaw. Tinignan ko ulit yung mga paintings at lahat sila, hagdanan ang background. Dilaw na ilaw? Hagdanan na background? And now I know something is off. Magiging paintings din kami pagnatapatan ng dilaw na ilaw na yun.
"Umalis na tayo dito Rake! This is a trap!"
"Come on Cyker! This is just a hotel!"
"We need to go!"
Hinila ko sya palabas ng lugar pero pinigilan kami ng matandang babae.
"Mga anak, magpahinga muna kayo sa taas. Alam kong pagod na kayo."
"Sorry po. Pero aalis na po kami." Hinila ko ulit si Rake pero hinawakan ng matandang babae yung braso niya.
"Rake Iho, magpahinga muna kayo sa taas. Ayaw ng lolo mo ang napapagod ka." Paano niya nakilala si Grandpa?! Eto namang si Rake, uto-uto. Umakyat pa pataas ng hagdan. Nang malapit na siya sa taas, tinulak siya ng matanda papunta sa sinag ng dilaw na ilaw pero hinila ko siya. Tumakbo kami paalis ng lugar na yun pero hinarang na naman kami ng matanda.
"Walang aalis!" At tinulak na naman niya kami paakyat ng hagdanan. I kicked her knee at napaluhod siya. Papagalitan ako ni Dad pag nalaman niyang nanipa ako ng matanda.
Nagsimula kaming tumakas ni Pocketbook. Lumabas na kami ng pinto at sumusunod yung matandang babae na dala na yung dilaw na ilaw.
"Tumakbo tayo sa may maraming tao para hindi niya na tayo masundan." Sabi ni Rake kaya tumakbo kami sa gitna ng amusement park. Akala namin hindi niya na kami susundan pero nagkamali kami. Lahat ng madirekta ng dilaw na ilaw niya, nagiging paintings.
"Anong gagawin natin Rake?!" Tanong ko habang nakikipag unahan kami sa mga taong nagkakagulo.
"Sa mirror house! Tumakbo tayo papunta sa mirror house!" Hindi ko alam kung anong plano niya pero sinunod ko na lang siya.
Patakbo ako sa mirror house nang ma-out of balance ako. Papalapit na yung babae. Malapit na siya. Pinilit kong makatayo at makalapit sa mirror house.
Pero it's too late.
Nasa harapan ko na siya. At parang naging slow motion ang lahat. Unti unti niyang tinatapat sa'kin yung dilaw na ilaw.
Pero biglang may humarang na salamin sa harapan ko. Napunta ang reflection ng dilaw na ilaw sa matanda at siya ang naging painting.
BINABASA MO ANG
Past Life
Science FictionA STORY YOU'VE NEVER READ BEFORE. My brother is busy shaving spikes in his skin. One of the perks of being a cactus in your past life. Lee can extract venom into one's body One of the perks of being a snake in your past life. Angela turns...