Tumakbo ako palabas ng sinehan. Hindi ko na pinatapos yung movie.
My brother needs me. Kailangan ko siyang makita.
"Where are you going Cyker? It's already 8 pm." Sabi ni Rake sa likod ko pero hindi ko siya pinansin. 8:00 pm na pala. maslalo pa kong kinabahan. Gabi na. Panigurado nasa bahay na yun. I went to my car. At kung perwisyo nga naman talaga oh, si Pocketbook inunahan akong pumasok sa driver's seat.
"Gosh Pocketbook please not now! Nagmamadali ako."
"Saan ka ba pupunta Cyker at parang nagmamadali ka? Gabi na. Maraming loko-loko diyan." Urgh! Ganun ba talaga kahina ang tingin niya sa'kin?
"Alam kong mahinang babae ang tingin mo sa'kin but please not now. My brother needs me!"
"I'll be with you. I'm a car racer, I can get you there fast. Told you, the last thing that I would do is to put you in danger." Then he looked at my green eyes. But this is not the time for sweet words and flirting. My brother needs me. Pumunta ako sa shotgun seat. He started the engine and OOohhhhh---- Nasa roller coaster ba ko? Oh my gosh! Ang bilis nga! Pagkapark na pagkapark ng sasakyan sa harap ng bahay, lumabas agad ako sa kotse. Hindi ko na hinintay si Rake..
"Terrence!" sigaw ko pagkapasok ng bahay. "Terrence?"
"Sweetie, akala ko magagabihan ka?" Tanong ni Dad, katabi niya si Mom... pero walang Terrence. Baka nasa kwarto niya.
"Good eve Dad. Pupuntahan ko lang po si Terrence." Umakyat ako sa taas. Kumatok ako sa kwarto ni Terrence. Walang sumagot. Nanginginig yung mga kamay ko na pinihit yung door knob, Terrence, please be alive.
Binuksan ko yung pinto.
At halos maiyak na ko
.
.
.
.
.
.
Walang bakas ni Terrence. Nasaan si Terrence?
Nakarinig ako ng mga yapak papunta sa akin. "Terrence ikaw ba yan?"
Lumingon ako.
"Sweetie, what's wrong? Bumalik kanina si Terrence sa school. May nakalimutan daw."
"Sige Dad. Thanks."
Agad akong lumabas ng bahay at pumasok sa kotse.
"Sa academy tayo please."
"OK." Mukhang naconclude naman na ni Rake na wala sa bahay si Terrence. Pinaandar niya na yung kotse papunta sa academy. Gosh! Where is he? My brother is just 13 years old! He's too young to die! Naririnig ko na naman yung mga hagulgol ng mga biktima sa utak ko. What if.. my brother is the one screaming right now? What if he is the helpless one asking for help this time? What if.. sinusunog na rin siya ng criminal ngayon? No. It can't be.
"Cyker, sarado na ang academy." Tumingin ako sa harapan ko, sarado na nga. Kung ganon nasaan si Terrence. Goodness! Ayaw tumigil ng mga luha ko. Nasaan na si Terrence?
"Oh Gosh! Rake! We need to find him! We need to find my brother!"
"We will. Pumunta tayo sa village. Libutin natin yun." Sa dinami-dami ng tao bakit kapatid ko pa? I remember when he was a baby. I always wanted a sister back then kaya naman sinusuot ko sa kaniya yung mga old clothes ko tapos magseselfie kami and he was enjoying his clothes without knowing na kung anu-ano na pala yung mga pinaggagagawa ko sa kaniya. He's not the perfect brother but I love him. He is my other half. Kaya hindi ko kakayanin kung may mangyayaring masama sa kaniya.
"Cyker, look." At tinignan ko yung tinitignan niya.
Fire. A tree house is burning at ang raming mga taong nagkukumpulan dun. Dito laging naglalaro si Terrence. Nanginig yung buong katawan ko. Mali sana ang iniisip ko. Lumabas ako ng kotse at pumunta doon. Eto na ba yun? His 13 years of existing will end just like this?
Sumiksik ako sa kumpulan pero hindi ako makasiksik. Goodness! I want to see my brother! Bulungan sila ng bulungan.
"Kawawa naman siya."
"Grabe nakikita ko lang yan lagi dito, tapos patay na pala."
"Pinatay daw siya eh, tsaka sinunog yang tree house kung saan siya madalas maglaro."
I can't help it. Wala na. Nahuli na ko. And just like the old times, I failed to save the victims. I failed to save my brother. I'm weak. Hindi na ko nakatiis, sinigawan ko na yung mga taong nakakumpol.
"Tumabi kayo diyan! He's my brother!"
At lahat sila nagulat at binigyan ako ng space para makita ang bangkay.
At maslalo akong naiyak.
Nakahandusay sa harap ako, isang bangkay ng..
Unggoy.
Unggoy? Huh? Asan si Terrence?
Maslumakas pa yung bulong-bulungan sa paligid ko.
"Grabe! Kapatid niya yung unggoy."
"Baka naman unggoy siya sa past life niya."Umalis ako sa lugar na yun na parang walang nangyari. Nakakaasar, nakakahiya! Nakalayo na ko sa kumpulan pero hiyang hiya pa rin ako.
Hanggang sa..
May tumusok sa likuran ko. Isa lang ang gumagawa nun sa'kin.
"Yuck! Kapatid mo pala yun Miss. Haha!!"
I cannot be mistaken. That voice is his.
Terrence.
Lumingon ako at siya nga.
He's alive. Agad ko siyang niyakap. Oh my gosh!
"Terrence, nakakaasar ka naman eh! Saan ka ba nanggaling hah!? Alam mo bang kanina pa ko naghahanap sa'yo?"
"Ate ano ka ---"
"I love you Terrence." He was stunned. I'm not a sweet sister. I never showed any sweet gesture to him before. But goodness, muntikan na siyang mawala sa'kin and who knows when the last time will be the last?
"Anong nakain mo Ate? May lag---"
"I love you. I love you. I love you. I love ---"
"I love you too Ate." And it's my turn to be stunned. It's the first time I heard these words coming out from his mouth. Niyakap ko sya ng masmadiin. Hindi ko talaga kakayanin kung mawala siya.
BINABASA MO ANG
Past Life
Science FictionA STORY YOU'VE NEVER READ BEFORE. My brother is busy shaving spikes in his skin. One of the perks of being a cactus in your past life. Lee can extract venom into one's body One of the perks of being a snake in your past life. Angela turns...