Chapter 19-Flashback

377 20 8
                                    



Tumahimik yung klase. At alam kong naaawa rin sila para kay Firey at Tery. Nagtuloy sa pagdidiscuss si Sir.

"Not only fire and water, but also insects and insecticides. Mamatay ang insects."

"Sir, meron din po bang instances where in perfectly match ang dalawang tao dahil sa past lives nila?" Tanong ni Eunice. She's a silencer in her past life.

"Yes. Pagnagsama ang fertilizer at plant, the plant will live a longer life. Pag nagsama ang worm at soil, mas magiging healthy ang worm."

May kanina pa gumugulo sa isip ko kaya tinanong ko na. There's no harm in asking. "Sir, Paano naman yung mga past lives na walang skills? I mean, paano po yung mga pocketbooks, movies, novels and the like." Sinama ko na yung novels para hindi pahalata.

"Good question. Like our first situation, hindi pwedeng magkatuluyan ang pocketbooks and movies. They cannot be together."

They cannot be together

They cannot be together

They cannot be together

No way.

"But why? Hindi naman kayang patayin ng pocketbook ang isang movie diba?"

"Walang mamamatay sa kanila. But a pocketbook contains stories and words at ganun din ang isang movie. Magkaiba ang authors at scriptwriters nila. Magkaiba ang daloy ng istorya nila. Magkaiba ang daloy ng utak ng mga authors nila. Kung magsasama sila, maghahalo ang stories nila. As a result, both of their stories will be ruined." Bigla akong pinagpawisan ng malamig. Nanghihina ang mga tuhod ko. Halos nahihirapan na rin akong huminga.

No.

"Paano po kapag pocketbook of quotes?" Tanong ni Aleah and I'm so glad na hindi ako ang nagtanong dahil masyado na kong pahalata pero I'm so pissed na of all people, bakit si Aleah!?

"That's the same thing Aleah. Kahit pocketbook of quotes pa yan, may mensahe pa rin siya na pinapahiwatig sa'tin. There will always be a story behind those quotes."

I don't want to believe this. This is insane.

"So class, I know baka isipin niyo nag-iimbento lang ako. But this is proven. This is a warning for all of us."

A warning.If there's a warning, there must be danger. And maybe, as early as now, I should stop this non-sense fantasy. Hanggat hindi pa masyadong malalim.

~~~

Palabas na ko sa room nang..

"Hi Cyker!"

"Hi Lee!"

"Ihatid na kita, gusto mo?" Here he goes again.

"Lee, wag na." Pwede ba, alam ko na naghahanap na naman siya ng kanyang girl of the week. I'm not that cheap to be one. Not again.

"Look, Cyker. Just give me one last chance. Last na to."

"Look, Lee. I'm sorry. I don't—"

"Cyker, may problema ba dito?" asked Rake. And for once gusto kong magsumbong sa kaniya coz I know he was my savior. But, no. I should keep my distance from him.

"Lee, iwanan mo na ang kaibigan ko. Ako na ang maghahatid sa kaniya. Tara na, Cyker." He already knew the problem before I say it to them.

I'm sorry Pocketbook, I should stop this as soon as possible.

"Sorry Rake. Pero ihahatid ako ni Lee." Nakita ko yung pagkapahiya na nagregister sa mukha ni Rake. I want to kick myself for what I did.

"So paano ba yan pre. Mauna na kami." Inakbayan ako ni Lee at umalis na kaming dalawa. Nung malayo na kami kay Rake, tinanggal ko yung kamay niya sa shoulder ko at inunahan siyang maglakad.

Past LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon