"At bakit ka nandito? Layas!"
Yan agad ang bungad ng napakalambing kong kapatid nung pumasok ako sa kwarto niya na nakapantulog at may dalang unan.
"Obvious ba? Dito ako matutulog?" Sabay higa ko sa kama niya.. yay! Lambot! Bakit masmalambot yung kama niya kaysa sa akin? May favoritism ba sina Mom? Daya!
"No way! Dun ka na lang sa kwarto mo!"
"Paano pag may monster na pumasok sa kwarto mo? Proprotektahan kita sa mga villains!" Half joke, half truth. Alam kong may possibility na siya na ang maging next target ng killer. And I won't let that happen.
"Tutusukin ko lang siya, lalayas na yun."
"Paano kung hindi effective?"
"Gusto mong sample?" At sino pa nga ba ang ginawa niyang sample? Edi ako. Pinagtutusok niya ko. What a bad cactus.
"Aray masakit!" Hanggang sa napatayo na ako ng kama niya.
"O diba effective! Eto pa oh! Eto pa! bakit ka nga ba kasi nandito?" Hindi ako nakasagot. Pati si Pocketbook tanong ng tanong sa akin kanina kung bakit ba ko alalang alala sa kapatid ko. Ayaw ko namang sabihin sa kanila na napanood ko to sa movie. At ang buhay ko ay yung movie. Bakit ayaw kong sabihin? My past life is like a precious secret for me. it's a possession at parang gusto ko siyang ipagdamot sa iba. kung meron mang makakaalam ng sikreto na to, malalaman niya ang buhay ko at pwede niya yung gamitin laban sa'kin.
Hay.. isang tao lang ang pinagsabihan ko ng sikreto na to. Pero yung tao na yun, iniwan na lang ako sa ere. I never thought Angela could do this to me. Gosh!
"Tulala ka na naman diyan. Ang weird mo. Sige na nga, dito ka na matulog." At doon ako napangiti. Sabi ko na nga ba hindi niya rin ako matitiis.
Buong gabi, hindi rin ako nakatulog. Kinakabahan ako. Bawat kaluskos, nagiging alerto ako. I would do anything just to save my brother.
Kinaumagahan, antok na antok ako. Kinabahan ako nung makita kong wala na kong katabi. "Terrence!?"
"Ang aga-aga ang ingay-ingay mo. Nandito lang ako. Baba na tayo. Ready na ang breakfast."
Bumaba na kami at kumain. Naghihintay sa amin sina Mom at Dad.
"Oh, Terrence, are you going to the park today?" Tanong ni Mom.
"Yes, Mom. May date ako." Bigla akong kinabahan. Aalis siya ngayon.
.
.
para sa isang date!? What?!"Baby brother, you're just 13!? Date? Ang bata mo pa!"
"I'm not a baby anymore ate. Teenager na ko. Palibhasa gurang ka na." What did he just say!?
"Hindi. Ako. Gurang. Excuse me!? Papayag akong makipagdate ka sa isang kondisyon." I smile mentally. I'm such a genius.
"Ano naman yun?" parang kinakabahan yung expression niya. May clue na siguro siya sa kung anong hihilingin ko.
"Sasama ako."
"What!? No way! Ate, it's a date! Walang epal dun." Ouch hah. Epal agad. But goodness, hindi ko siya pwedeng iwanan. No way! Paano kung biglang mangyari yung krimen! Gosh! I won't let that happen!
"Ano ka ba! Kaya nga ako sasama sa'yo kasi dagdag pogi points yun. Babae ako. At cute sa paningin ko pagfamily oriented yung lalaking idedate ko."
"Eh bakit dinate mo noon si Kuya Lee? Hindi man yun family-oriented." At doon ako natigilan. Oo nga noh, urgh!
"Kaya nga hindi kami nagkatuluyan kasi hindi siya family-oriented. My gosh, baby bro, trust me!"
At sa wakas, napapayag ko rin siya pagkatapos kong sabihin akong gagawa ng mga research papers niya for the whole week. Napasubo ako. Di bale, ika-copy paste ko na lang. Hehe.
BINABASA MO ANG
Past Life
Science FictionA STORY YOU'VE NEVER READ BEFORE. My brother is busy shaving spikes in his skin. One of the perks of being a cactus in your past life. Lee can extract venom into one's body One of the perks of being a snake in your past life. Angela turns...