Chapter 42-Rescue

345 19 1
                                    

Tatlong araw na simula nang mawala si Rake. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kailangang kailangan ko siya. Mababaliw na ko. I need him. And I never needed anyone like this before.

Nasunog na yung DVD. Mas bumaba pa yung mababang posibilidad na makita ko siya. Nagtanong na rin ako sa mga nanood ng Amy's Story, pero sabi nila yung last scene ay yung dinala nung criminal si Jeth-Rake's character- sa gubat. Nag-isip akong mabuti.

Sa gubat siya dinala ni Lee.

Tsaka pakainin mo yung mga alaga kong hayop sa bahay. Wag mong kalimutang linisin yung mga bahay nila lalong lalo na yung kay Labon.

Paulit-ulit ko iniisip yung mga sinabi niya. Sigurado ako na may gusto siyang ipahiwatig.

Tsaka pakainin mo yung mga alaga kong hayop sa bahay. Wag mong kalimutang linisin yung mga bahay nila lalong lalo na yung kay Labon.

Hayop? Bahay ng mga hayop? Labon? Saan ba ang bahay ng mga hayop? Sa zoo. Sandali.. Labon? Sa Malabon Zoo! Bakit hindi ko kaagad na isip yun? Agad-agad kong pinuntahan si Grandpa na ngayon ay nagkakape, nanginginig pa rin ang buong katawan niya sa nangyari kanina.

"Grandpa, huwag na po kayong matakot. Nagpatawag na ko ng pulis na magbabantay sa inyo. Ahm, Hihiramin ko lang po yung mapa na binigay ko sa inyo last time. Natatandaan niyo pa po ba?"

"Nasa bedside table ko yun hija. Sa kwarto ko." Agad-agad kong kinuha yun. Nadun yung Malabon Zoo sa mapa, at may katabing gubat yung zoo. Snake forest. Yan ang pangalan ng gubat na nakalagay sa mapa. Now, I'm pretty sure that Rake is in there. Bigla na naman akong kinabahan. Paano kung huli na pala ako? Paano kung tuluyan na siyang mawala sa'kin. Hindi ko kakayanin. Mababaliw ako.

~~

Nandito kami ngayon ng gang at sinama ko rin si Aleah. Sinama naman ni Angela si Victor. Nakapagdesisyon na ako. Makikipaglaro ako sa kung anumang laro ang naiisip ni Lee.

"Is this a meeting or something? Bakit mo kami pinatawag Cyker?" Tanong sa'kin ni Filip.

"Alam ko na kung saan tinago ni Lee si Rake. Hindi ko maasahan ang mga pulis. Kung ayaw nilang kumilos, edi tayo yung kumilos." Natigilan silang lahat sa sinabi ko. Hindi nila alam kung ano ang sasabihin hanggang sa nagtaas ng kamay si Angela.

"I'm in." Napangiti ako sa kaniya pero nawala yung ngiti na yun nung nagsalita na si Atum.

"if we do that, our lives will be in danger."

"Our lives are already in danger." Madiin na sabi ko sa kaniya.

"Sorry, pero.. I won't go. Breadwinner ako ng pamilya ko. Paano na lang sila kung may masamang mangyari sa'kin? I'm sorry Cyker. Sana maintindihan mo. Tutulong na lang ako sa pagplaplano. Sorry talaga." Paumanhin sa'kin ni Filip at naiintindihan ko siya.

"It's okay Filip."

"I'll be with you Cyker." At hindi na ko nagtaka na hindi ako iiwan sa ere ni Aleah.

"If she's in, I'm in too." Sabi ni Fivo. Isang segundo silang nagkatinginan ni Aleah pero nag-iwas din sila ng tingin.

"sssshhhhhhhhh." Hanggang ngayon minsan hindi ko pa rin marinig ang boses ni Eunice.

"Sabi niya, hindi raw siya sasama. Natatakot daw siya." Pagtratranslate ni Atum. "Sorry pero hindi rin ako sasama. Masyadong delikado ang gusto niyong mangyari. Paano kung may mamatay sa atin? Paano kung may mapahamak?"

"Kung hindi tayo kikilos, masmarami pa ang mapapahamak. He's a serial killer. This is not his last game. He lusts for blood. At habang walang pumipigil sa kaniya, kikitil at kikitil siya ng buhay." Sagot ni Aleah. Lahat kami natahimik.

Past LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon