Chapter 32: Chaos

8.9K 279 14
                                    

Iris

"Sino kayo? Anong ginagawa niyo dito?" Sabi ng lalaki na bigla nalang kaming tutukan ng espada. Lima silang nakapalibot samin at sa tingin ko ay mga estudyante sila base sa mga suot nila.

"They are allies. Put your weapons down" sabi ng isang boses mula sa likod namin. I know that voice. I turned back to see him. " Jake" sabi ko. Nakangiti lamang siyang palapit sa akin habang nakasunod sa kanya ang baby dragon niya na nagliliwanag dahil nagtatransform ito sa baby stage.

"Welcome back" he said. Labis ang tuwang nararamdaman ko ng makita ko siya ulit. Namalayan ko nalang ang sarili kong lumalakad papunta sa kanya. I hugged him, namiss ko ang pagkamasungit niya. "Tss. Cry baby" I just found myself crying. Bakit ba ko umiiyak? Haha

"Ate boyfriend mo? Ayieeh" lumayo ako ng konti kay Jake ng sinabi iyon ni Ariah. "Hindi ah" "Soon" sabay naming sabi ni Jake. Nanlaki ang mata ko ng marealize ang sinabi niya. Ano ba sinasabi nito?

"Ayiee kinikilig ako ate" sabi ni ariah habang hinahawakan ang pisngi niya. "Mahal na prinsesa, wag mo ng asarin ang ate mo" natatawang sabi ni Lea. Pati ba naman siya? Nakatingin lamang samin si Raven habang nakapamulsa.

Tatanungin ko na sana si Jake kung nasaan na yung iba pero nakarinig na lamang ako ng malalakas na sigaw mula kay Angel. She's calling my name while running fastly. Halos madapa na siya.

She gave me a tight hug. "Huhuhu namiss kita. Akala ko di na kita ulit makikita." Sabi niya habang umiiyak. I hugged her back. Akala ko rin. "Namiss din kita. Namiss ko kayong lahat" sabi ko.

"Nasaan si Jared?" Tanong ko ng matapos ang yakapan namin ni Angel, hindi ko kasi siya nakikita. Tumungo lang sila sa tanong ko. Did I say something wrong? "Sumunod ka samin" sabi ni Lyca. Anong nangyari?
Sumunod nalang kami sa kanila.

Huminto kami sa tapat ng isang kwarto. I looked at the door. Healing Room basa ko sa nakasulat doon. Tumingin ako sa kanila. Nagiwas lamang sila ng tingin. I opened the door. Napatakip ako ng bibig sa nakita kong kalagayan ni Jared. Ang laki ng ipinayat niya. Halos hindi ko siya makilala. Maraming nakatusok na kung anu-anong maliliit na bagay sa kanya. Nakalagay siya sa isang closed cubicle na puno ng tubig.

"Natamaan siya ng dark ball, nang Dark King. Nung lumusob kami" Lance said. "That ball was supposed to hit me pero sinangga niya ang katawan niya para maligtas ako" sabi ni Angel habang umiiyak. Hindi ako makapaniwala, ganito na ba talaga kalakas ang Dark King para mapuruhan ng ganito ang isang elemental? Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko sila natulungan.

"Im Sorry" nakatungong sabi ko. Wala akong mukhang maihaharap sa kanila. "Wala kang kasalanan" sabi ni Lyca habang inaangat ang ulo ko sa pagkakayuko. Napayakap nalang ako sa kaniya. Nakita kong ngumiti si Michael sakin kaya nginitian ko rin siya. Kanina ko pa nararamdaman ang mga kapangyarihan nila. Higit na lumakas ito kaysa dati.

"Ehem. Nakakaabala ba ako?" Silip ng isang lalaki sa may pinto. "Hi" sabi naman ng batang kasama niya na nakasilip din.

"Hindi naman. Master pasok ho kayo" sabi ni Michael. Pumasok silang dalawa habang nakatingin sakin.

"Welcome to Conjurer's Academy Legendary Elemental Mage. Im Dylan the Head Master" sabi nung nagsalita kanina yumuko ng konti. Ganun din ang ginawa nung batang kasama niya at nagpakilala din. He's Ryuu.

"Salamat po Head Master"

"Nabalitaan ko agad ang pagdating mo kaya ako naparito. I need to talk with you regarding the Dark King" sabi niya habang nakatingin ng seryoso. Tumango lang ako sa kanya. He motioned his hand para sundan ko siya. Tinignan ko si Lea na kanina pa seryoso. " Leah pakibantay ang kambal" sabi ko sa kanya. Taranta siyang napatingin sakin. " I will, Princess Iris" sabi ko ng Iris nalang eh. Wala naman kami sa palasyo.

Academy Of Mages(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon