Chapter 26: The Princess of Elementalia

19.1K 436 26
                                    

Lance's POV

"Aray! Ang sakit ng katawan ko" himutok ni Jared. Ikinulong kami ng hayop na Luke na iyon sa isang underground dungeon. When did they build this sh*t?!

We look so helpless at naiinis ako dahil doon. Wala kaming nagawa sa kanila, limitado lang ang kapangyarihan namin sa pagkakataong ito.

Kahit konting galaw lang ay kumikirot ang katawan ko. Nasa isang kulungan kami at dito pinahirapan. Tinali rin ang mga kamay namin sa dingding gamit ang kadena.

"We need to escapr here" Jake said.

"Pero paano? We don't have enough power to escape from here" sabi ko sa kanya.

At kung tatakas man kami dito dapat maitakas din namin ang mga ibang eatudyante at mga taga mortal world  na ikinulong rin nila. Nakita ko ang pagkawala ng pag-asa ng mga schoolmates namin nang makita kaming nahuli ng mga Dark mages. Sino ba naman ang hindi panghihinaan ng loob kung ang inaasahan nilang tutulong ay wala rin magawa?

Nagpanic ang mga nakakulong dahil sa biglaang pag yanig ng lupa. Anong nangyayari?

Ilang sandali pa ay nakarinig kami ng tawa. Tawa na hindi mo gugustuhing marinig. Sh*t he's back. The Dark King is back.

Nanlulumo akog napatingin sa kanila.

"Wala na. Nabuhay na siya" malungkot na sabi ni Jared. Kahit siya ay nawawalan na rin ng pagasa.

"Elementalists, hindi dapat kayo makita ng Dark King. Siguradong papatayin niya kayo" biglang sabi nang babae na nakakulong kaharap ng selda namin. Nakadungaw sila ng iba pang mga estudyante ng AOM sa rehas.

"I am a healer. Kaya kong ibalik ang 50 percent ng magical energy niyo."Sabi pa niya na ikinatingin naming lahat. Buti nalang at walang mga dark mages na umaaligid.

"But how? Alam kong wala ka naring natitirang kapangyarihan." Sabi ni Michael.

"Ibibigay namin sa kanya ang natitira naming kapangyarihan para mapagaling niya kayo"  sabi naman ng isang lalake. Gagawin nila yon?

"But, Alam niyong may posibilidad na mawala na ng tuluyan ang mga kapangyarihan niyo kapag ginawa niyo yan at saka baka ikamatay niyo ang gagawin niyo" I said. Ngumiti lang yung nagpakilalang healer. Di ko sila maintindihan.

"We know. Dati kaming mga normal na tao Lance. Biniyaan lang kami ng kapangyarihan. Kaya naming mabuhay kahit na walang kapangyarihan" humanga talaga ako sa sinabi niya. Ipagpapalit nila ang buhay nila para mailigtas kami at ang buong World of Magics. Mga gifted mages lamang sila, dating mga normal na tao pero ang pagmamahal nila sa Academy at sa mundong ito ay katumbas ng mga mages na ipinanganak talaga dito.

"Naiintindihan namin. We will make sure na babalikan namin kayo dito" sabi ni Jared sa kanila. Ngumiti lamang sila at sabay-sabay na pumikit. Inilabas nila ang kapangyarihan nila at inilipat sa healer. Unti-unting lumakas ang magical energy niya. Tumingin siya sa amin at itinutok ang mga kamay niya. Lumabas doon ang puting enerhiya na tumama sa amin.

Unti-unti ko nang nararamdaman ang pagbabalik ng enerhiya ko. Nang matapos siya sa ginagawa niya ay sinubukan kong kumawala sa mga kadena at natanggal nga ang mga iyon. Nakita kong natanggal narin nila Jake ang sa kanila.

"Maraming salamat." Sabi ko aa kanila. Tumango lang yung healer , they all look weak. Masyadong nagamit ang kapangyarihan nila.

"Umalis na kayo. Paparating na sila" sabi ng isang babae na kasama.

"Magingat kayo. Babalikan namin kayo" sabi ko at humawak na sa balikat ni Michael. His teleportation ability is a big help.

3rd Person's POV

Academy Of Mages(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon